Sea Affair

1081 Words
JAZZMINE'S POV: Pabagsak akong ibinaba ni Jayson sa likod na upuan ng sasakyang dala nito. Nakakatakot ang itsura ng lalaki na nakatiim-bagang. Kung hindi ko lang kilala ito ay iisipin kong katapusan ko na. Magdasal-dasal na ko at baka di na ko sikatan ng araw! Pero alam ko naman na hindi ito mamamatay tao. Kung sakali, baka ako ang unang biktima! Natawa ko sa sarili. Sa ganitong klaseng pagkakataon ay nakuha ko pang magjoke. Sumakay ito sa driver's seat at nagmaniobra. Mabilis na pinaandar nito ang kotse at pinaharurot. Teka lang, sandali!! Fake Taxi 2 ba ito??? tili ng maharot kong isip. Pero hindi yun ang sinabi ko. "Wait, Mr. Angeles. This is kidnapping!! San mo ako balak dalhin?", kunwa'y histerikal na sabi ko. Deep inside ay naeexcite ako. "s**t na malupet! San ba ko dadalhin nito?" "Will you stop talking to me? I need to focus on the road. Baka mabangga tayo sa kadaldalan mo." pasupladong sabi ng gwapo kong kidnapper. Malayo na kami sa mansion at binabaybay namin ang kahabaan ng savannah pagtingin ko sa labas. " Naiihi ako..." naisip kong sabihin. "Ihinto mo ang sasakyan!" Tiningnan ako ng lalaki sa likod gamit ang salamin ng kotse. Ginalingan ko ang acting ko na kunwa'y naiihi. Ihininto naman nito ang kotse at binuksan ang pinto ng likod ng sasakyan. Yun ang hinihintay ko. Kumaripas ako ng takbo. Akala ko'y hahabulin ako ng gunggong. Pero hinayaan lang ako nito. "Sige, tumakbo ka. Madaming ahas dyan!" nakakalokong sigaw ng lalaki. Nahintakutan ako. Oo nga, madilim. Huminto ako sa pagtakbo. Muntik pa kong matalisod sa isang malaking batong nakaharang sa daan. Natatawang nilapitan ako ni Jayson. Mukhang inaaliw lang nito ang sarili at nahulaan ang balak kong gawin. Sinakyan kumbaga ang trip kong eksena sa buhay. Di mabura ang nakakaloko nitong ngiti sa mga labi, gusto kong sapakin pagmumukha nito. Nanghinayang lang ako eh kasi ang gwapo nito ngayon lalo na sa dilim. Kinarga na naman ako nito na tila ako isang sakong bigas. Nagpipiglas ako para pahirapan siya kahit konti. Ang lagay eh ako lang ang pagod? Sa halip na sa likod ako nito ngayon paupuin ay sa tabi na nito sa passenger's seat. Mataman akong tinitigan nito sa mata at saka sinakop nito ang mga labi ko. Banayad ang halik nito. Naghihintay ng katugon sakin. Hindi ko sana pagbibigyan sa gusto nyang mangyari. Kaso para itong isang batang inagawan ng candy. Nagsusumamo ang mga mata. Ipinikit ko ang mga mata ko at tinugon ang mga halik ng lalaki. Pinalalim nito ang halikan namin. Naging torrid kissing na may espadahan nang mga dila. Makapugtong hininga ang bakbakan namin. Nakahawak na ito sa likod ng batok ko at ginagagad ang mga labi ko. Halos mamaga na ang lips ko sa pagkagat-kagat pa nito sa mga yun. "I'm sorry, I just get jealous. Bakit ba kasi sumama ka sa Lucas Fernandez na yun. Sinabihan na nga kita na may bad reputation siya." nagpapaliwanag na anito matapos ang maalab naming halikan. "Bakit naman hindi? Dalaga ako, binata siya... hindi katulad mo may asawa ka na't lahat dyan kinakalantari mo pa ko." nandidilat ang matang sabi ko. "Asawa?" gulat na reaksyon nito. "Sino? Ako?" tinuro nito ang sarili. "Oo, ikaw. Alangan namang ako?" simangot ko. "Wait, sino bang sinasabi mong asawa ko? eh for as long as I remember hindi pa ko ikinasal kahit kelan." "Eh ano mo pala si Chloe? f**k buddy mo din?" pasinghal na sabi ko. "Well... you can say that. But no, not the kind that I'm offering to you." Napahilot ito sa sentido. "Wow ah! Should I be happy that she's your f**k buddy and yet I am offered to be a f**k buddy with a higher level from her?" Nakasimangot na ko. Lakas talaga mang-inis nito kahit kailan. Tawang-tawa ang lalaki sa itsura. Lalo akong nainis dito. Humalukipkip ako at lumayo. "I'm sorry." kinalma nito ang sarili sa kakatawa. "Hindi ganun ang ibig kong sabihin. What I meant is, if you ever accepted my proposal. You'll be the only one for me. Exclusively yours. Pwede mo pa-notaryo." Para kaming bumalik sa pagiging college student na nag-aasaran. Pakiramdam ko ibinalik kami sa mga panahon na masaya ako at masaya siya noong college days. Natameme na ito nang mapansing tumahimik ako. "I'm sorry Elize." tanging nasabi nito. Akala ko ay ihahatid na ko nito sa mansion pero patuloy itong nagdrive palayo sa lugar. Hindi na ko nakipagtalo pa dito. Sumandal ako sa upuan at pumikit. Ang balak kong pagpapahinga sa maghapon ay nagresulta pa nang mga mas nakakapagod na sandali para sakin. Nakatulog ako. Pagmulat ng mata ko ay nakahiga na ako sa isang malambot na kama. Iba na din ang suot kong damit. Nakasuot ako ng puting long sleeves na panlalaki, sa wari ko ay kay Jayson yun. Maliban doon ay panty lang ang suot kong panloob. Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala ang lalaki kaya napagmasdan kong maige ang paligid. Nahintakutan ako ng madinig ko ang tunog ng alon. Nasan ako? Teka, yate ba ito?? Bumangon ako at pinihit ang seradura ng pinto. Pagbukas ko nun ay sumalubong sakin ang malakas na hangin. "You're finally awake. " salubong sakin ni Jayson. Nakasuot ito ng poloshirt at nakabukas ang mga butones nun kaya kitang-kita ko ang papandesal nito sa umaga o tanghali na ba? Hindi ko alam kung anong oras na sa tagal kong nakatulog. "San mo ba ko dadalhin?", nakasimangot na tanong ko. "You'll find out soon." nakakalokong ngiti nito. "Let's have our meal first. Come here." At iginiya ako nito sa lamesang may nakahandang pagkain. Nakaramdam ako ng gutom sa pagkaing nakahain na nasa harap ko. Naalala kong kagabi pa ang huling kain ko at anong oras na ngayon. Hindi na ko nahiyang lantakan ang pancakes at parfait. Kumain din ako ng fresh fruits at syempre uminom ako ng paborito kong kape. Walang kibo ang lalaki na sumisimsim lang ng kape habang nakatingin sa pagkain ko. "What? I'm starving." irap ko dito. Naisip ko din na magpakabusog dahil baka may balak pala itong masama sakin eh kailangan ko ng stored energy para hindi ako agad manghina sa pagtakbo, if ever. Mukhang nabasa naman ng lalaki ang nasa isip ko. "Yeah, you should eat more. Mapapasabak ka sa laban mamaya." makahulugang sabi nito na may naglalarong mga pilyong ngiti sa labi. Nakatingin ito sa bandang dibdib ko. Naalala kong long sleeves nito ang suot ko at nakapabukas pa ang butones nun kaya halos iluwa nun ang dalawang umbok sa dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD