LUCIFER'S POV: Kauuwi ko lang sa bahay matapos ang isang malaking drug operation sa Tondo. Nalulong ako sa droga, alak, maging sa babae. Nalubog ako sa utang dahil sa pagsusugal ko sa casino at tanging ang ilegal na pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang nagsusustento ng maluhong lifestyle na nakasanayan ko. Ayos na sana ang lahat, kung hindi lang ako naengganyo maglustay ng pera sa casino ay kinikilalang tao na din naman ako. Ngayon ay kinakailangan kong gumawa ng ilegal para hindi mahalata ng ibang tao na halos wala na akong perang nakatabi sa bangko at may mga pagkakautang pa. Isa pang ilegal na gawain na pinasok ko ay ang prostitution den. Naging tagasupply ako ng mga babaeng bagong salta sa Maynila sa mga brothel. Ito yung mga bar na nagooperate sa gabi na akala mo lehitimong ba

