JAYSON'S POV: Kunot-noong nilapitan ako ni Elize. Matapos bumaba sa electronic bike na sinakyan nito palabas ng gate. Mahaba-habang lakarin din pala ang gate mula sa bahay. "Ano na naman ba ginagawa mo dito Mr. Angeles?", nakasimangot na anito. "I just want to know the truth. Let's have a paternity test." Naisip kong sabihin sa babae. "What?!" lalong naging mataray ang hilatsa ng mukha nang babae. "We don't need to have any test for my baby, ako ang ina. Ako ang nakakaalam kung sino ang ama nya. At sigurado akong hindi IKAW yun!" Pinagdiinan pa nito ang mga sinabi. "I'll do whatever it takes to know the truth. Let me remind you Elize. I am Jayson Angeles. I have my own ways." babala ko bago tuluyang umalis. Nag-aalala akong baka mapano ang babae sa inis na pinapakita nito sak

