JAYSON'S POV: "Are you okay?", tanong ko kay Elize matpos itong muntikang masubsob sa sahig kung hindi ko naagapang saluhin. Sumakit ang likod ko sa pagkakasalo sa babae pero balewala yun sakin. Mas inintindi ko ang nararamdaman niya. Tumango ito. Pero hindi pa nga ito tuluyang nakakatayo ay bigla itong hinimatay sa braso ko. "What a drama queen.", patutsada ni Chloe. "Bitawan mo nga yan Jayz, I'm sure naghihimatay-himatayan lang yan." Pero hindi, talagang namumutla at pinagpapawisan ng malapot ang babae. Parang hinang-hina ito. Nagpapanic na binuhat ko ang dalaga kahit medyo masakit din ang likod ko sa pagkakabagsak ko sa sahig. "Jayson, where are you going? Don't leave me here!" sigaw ni Chloe. "Tawagan mo ang driver, pasundo ka na lang." Pagbabalewala ko sa sigaw nito. Alam

