Inuwi na niya ako sa bahay at bukas ulit babalik ulit siya sa trabaho, ngayon lang talaga siya naka oras pero sa nangyari kanina parang gusto kung ganito muna nakalayo kami para walang magagalit saakin at hindi ko siya masisira "Bibisita si Kaye sainyo bukas" sabi niya saakin ng nakarating kami sa bahay "Okay" "I'm sorry kung isang araw lang gusto ko sana magkasama tayo araw-araw pero wala akong magawa" Malungkot niyang sabi Ngumiti ako sakanya "Hayaan mo babawi ka naman pag nagkita tayo diba? Tapos palagi naman tayo naguusap sa phone" Sabi ko sakanya "Iba parin pag sa personal nahahalikan kita" Natatawang sabi niya kaya hinampas ko siya "Siraulo!" natatawang sabi ko "Pumasok ka muna sa bahay" yaya ko sakanya Nilingon niya ang bahay pero umiling siya "Babalik na ako ngayon sa Man

