Habang hinihintay pa namin ang order nagpaalam muna ako sakanya mag cr. Nang pumasok ako sa cr tumingin ang tatlong babae na nasa harapan ng salamin nagaayos ng sarili. Hindi ko sila pinansin at pumasok nalang sa isa cubicle. Sobrang tahimik ng cr at nakaramdam din ako ng kaba at takot. Sana naman wala na sila paglabas ko pero wala akong marinig na ingay galing sakanila baka wala na sila sa labas. Lumabas ako at napatalon ako sa gulat ng nakitang nandun pa sila at masamang nakatingin saakin. Umiyas ako ng tingin sakanila at naghuhugas ng kamay. "Ang kapal naman ng mukha mo" nakangising sabi nong isang babae Ako ba kinausap niya? Hindi ko sila nilingon baka hindi ako pero yung kaba ko lumala ng kalabitin ako ng isang babae Ngumisi siya "Wag kang magpabingi bingihan!" Inis na sabi non

