Mariing nakatitig si Wixon sa likuran ng asawa niyang si Umica. Humahakbang ito sa kaniyang unahan habang hawak pa rin siya sa kamay. ‘Mas mabuti na ’to kaysa hindi mo ako kibuin. Mas nakababaliw ’yon.’ Wixon tilted his head at hindi mapigilan na mapangiti nang malapad. “Mahal, ang kamay mo baka masaktan,” ani Wixon na ngayon ay sumabay na sa maliliit na hakbang ni Umica. Ngayon na flat ang suot nitong sandalyas ay mas lalo pang naging visible ang agwat ng kanilang tangkad. “I’m fine. Hindi naman ako ganoon ka fragile, Wixon.” Dahil sa sinabi nito ay tumahimik na lamang si Wixon hanggang sa muli na silang nakapasok sa silid. “Mahal . . .” ani Wixon nang humarap si Umica sa kaniya at nakatingala siya nitong tinitigan. “Be honest with me, mahal. May relasyon ba kayong intimate ng Miss E

