Alas tres na ng hapon nang muling makabalik sina Sheila at Linda sa Foltajer mountain—kasama ang tatlo nilang close-in guards na huli na nang sila ay mabantayan. Nang makauwi sa lugar ay agad silang dumeretsyo sa klinika—exclusive para sa nagmamay-ari ng Foltajer main mansion. “Mahal, nasaan sina mama at mami?” tanong ni Wixon. Kapapasok lamang niya sa loob ng klinika. Galing siya sa airport upang sunduin ang kaniyang ina nang makatanggap siya ng tawag na isinugod sa clinic ang dalawa. Mayroong mga guards sa labas ng clinic —mga closed in security ni Umica. So Wixon assumed na nasa loob nga ng clinic si Umica. “Anak.” “Hijo,” sabay na sambit nina Sheila at Linda. Tipid na ngumiti si Sheila na ngayon ay nakatingin kay Linda. Sa sulok naman na bahagi ng isa sa mga upuan ng klinika ay ta

