A couple of minutes later when they arrived at school. Pagkalabas pa lang nila ng sasakyan ay si Yigo na ang nagdala ng bag ng dalagita, bagay na tinututulan niya.
"Yigo, give me my bag. Hindi naman mabigat 'yan. Ako na ang magdadala."
"Really, huh?" Yigo chuckled. Huminto siya dahil naiiwanan na sa paglakad si Pennee. "Hindi ka nga makahabol sa 'kin, ikaw pa ang magdadala ng bag mo?"
Pinanliitan ni Pennee ng mga mata ang nang-aasar na binata. "Sorry naman po kung isang hakbang mo lang ang katumbas ng tatlong hakbang ko," bulong niya. Hindi na niya pinilit na agawin ang bag at nagdiretso na lang maglakad papunta sa entrance ng main building. Siya naman ngayon ang hinahabol ng binata dahil halos tumakbo siya sa paglalakad.
"Hey, wait for me. Ikaw naman, napipikon ka na naman. Gusto ko na tuloy maniwala kay Kiel. Huwag daw kitang asarin dahil madali kang mapikon."
That insect. Napakadaldal!
But seriously, kay Kiel lang naman siya pikon. Dahil kung madali siyang maasar sa ibang tao ay matagal na niyang pinatulan ang mga bully sa kanilang school, lalong-lalo na ang bagong kaklase niyang si Scarlet. Siguro ay talagang naiilang pa siya kay Yigo kaya ganito ang asal niya.
"Hindi ako pikon, okay?" she finally said. Binagalan na niya ang paglalakad at ngayon ay magkahelera na sila ni Yigo habang papasok sa main door ng gusali. "Hindi lang talaga ako sanay na may ibang nagdadala ng bag ko, bukod kay Daddy."
"Well, dapat masanay ka na. Dahil simula ngayon ay ako na ang tagabitbit ng bag mo at tagahatid-sundo pa. Get that?"
"Oo na po," bulong ni Pennee pero batid niyang naririnig siya ng binata. "I guess, I'm lucky after all, dahil may yayo ako na libre ang service fee."
Narinig niyang tumawa nang malakas ang binata.
Pansin ni Pennee na bawat nadadaanan nilang estudyante ay nakatingin sa kanila. Dahil ba habang naglalakad siya ay may tila higanteng pader ang nakabuntot sa likuran niya? Hindi naman kasi maitatanggi ang height nito at porma. He was indeed a head turner.
Nanginginit pa rin ang pakiramdam ng mukha ni Pennee nang maihatid siya ni Yigo sa mismong classroom nito. Doon nito inabot sa kanya ang bag.
"Thanks," ang tanging sinabi ni Pennee at pilit na ngumiti.
"It's no big deal," tugon ni Yigo na sumandal sa may pinto. Nagsalikop siya ng mga braso habang sinusulyapan ang loob ng klase. "So, what time will I pick you up here?"
"Oh, no. Huwag dito. Please, sa parking area na lang tayo magkita," mariin siyang umiling. "Katulad ng ginagawa ni Daddy. Hinihintay na lang niya ako sa sasakyan."
"It's because Tito Ezekiel isn't a student. Hindi niya kailangang pumunta rito. Eh, ako, student ako at nasa kabilang building lang kami. Kaya whether you like it or not, susunduin kita. Okay na?" Sinulyapan ni Yigo ang papel na nakadikit sa pinto. He grinned. "Every Friday pala, three p.m. ang quitting time n'yo. Good!"
Napataas ang isang kilay si Pennee. "Anong good?"
"May time pa tayong mag-snack sa labas bago kita ihatid sa inyo. Huwag kang mag-alala. Libre ko. Lahat ng ituturo mong food, ako ang bahala." He winked down at her.
"Yigo, you don't have to do that. Masyado na kitang naaabala niyan. Nakakahiya na kina Ninong at—"
"I insist, alright?" Yigo said in low brows. Banayad ang tinig niya ngunit pabagsak. Tila hindi na niya nais masundan pa ito ng isa pang protesta mula sa dalagita. "Wala pang three p.m., nandito na ako sa labas." He pinched her chin at turned to his back.
Tulala pa rin si Pennee nang pumihit siya at diniretso ang kanyang upuan. She knew the cause of the low groans and giggles was her, or Yigo himself. Sigurado siya rito dahil narinig niya ang kanyang pangalan. Nahagip din ng kanyang pandinig ang salitang 'suitor' mula sa kung saan.
"Pennee, sino 'yon?" bulong ni Dolly na lalong inilapit ang upuan sa kanya. "Totoo ba ang sinasabi nila? Suitor mo 'yon? Or bf mo na?"
Nanlaki ang mga mata ni Pennee na bumaling sa kaibigan. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ko boyfriend ang Yigo na 'yon. At hello, ang bata pa natin para diyan," she hissed on her friend's face. Muli siyang umayos ng pagkakaupo at yumuko. She could feel her cheeks burning again. "Fine. Kababata ko siya. Kinakapatid, something like that since ninong at ninang ko ang parents niya."
"Yon naman pala, eh," Dolly said nodding. Iniurong niyang muli ang upuan nang kanyang sulyapan ang orasan. Ilang minuto na lang at papasok na ang kanilang guro. "Kinakapatid mo lang pala, ang dami mo pang sinasabi. Bakit ba ang defensive mo ro'n? Crush mo ba ang kinakapatid mo?"
"Hindi ah!" Sa lakas ng boses ni Pennee ay nagsitinginan sa kanya ang mga kaklase. Dahil dito, tila gusto niyang matunaw. Muli na naman siyang napayuko nang may marinig na boses sa kanyang likuran.
"Wow, that guy looks familiar..."
Hindi na kailangan pang lumingon si Pennee sa likuran upang alamin ang nagsalita. Si Scarlet lang naman ang bukod tanging laging may sarkastikong undertone sa likod ng mataas na tinig.
"Siguro, nagmakaawa ka sa kanya na bantayan ka. Sabagay, napakasumbungero mo kasi. Akala mo naman, matutulungan ka niya kapag may ginawa ako sa 'yo."
"Is that a threat?" tanong ni Pennee ngunit hindi niya ito nililingon. Her eyes were even shut to save her patience. Goodness gracious, she needed to think of creative ways on how to prevent this brat from agitating her. Siguro ay kailangan na niyang mag-report sa guidance office gayong ama nito mismo ang naroon. Sumbungera na kung sumbungero. "...kasi hindi ako natatakot sa 'yo."
"You b*tch!"
Pennee gasped when Scarlet kicked her chair from behind. Hindi man ito masyadong malakas, ngunit sapat na upang bigla niyang ikairita.
Tatayo na sana siya nang biglang tumunog ang bell. Ilang saglit pa ay may mataas na lalaking pumasok sa silid at pumuwesto sa harapan. Napayuko na lang si Pennee dahil hindi niya nais makita ng guro na namumula sa pagkainis ang kanyang mukha.
"Pennee, hindi ba siya 'yong kinakapatid mo. Ano nga uli ang name niya?"
"Huh?" Inangat ni Pennee ang mukha at laking gulat niya na imbes guro ang nakatayo sa harapan ay walang iba kundi si Yigo. She swallowed. Hard.
"Good morning," anito at iginala ang seryosong paningin. "I just want everybody to know—whoever bullies Pennee will suffer the consequences. At hindi ninyo magugustuhan ang gagawin ko. Malinaw ba!" He slammed his hand on the table.
Bago siya lumabas ng classroom ay tinapunan ng matalim na tingin si Scarlet. Everyone, on the other hand, was silent and dumbfounded by what had just happened.