Pennee shot him a shocked stare. "Hey, you don't need to brought that up! Matagal na 'yon." Muli niyang inilihis ang mukha sa ibang direksyon. Kung bakit ba kasi masyadong prangka ang isang ito. Kung makapagbiro ay parang napakalapit nila sa isa't isa. Kung sa bagay ay totoo naman iyon. Kahit hindi niya naaalala kung gaano sila kalapit sa isa't isa noon, dama niyang pinararamdam ito ng binata sa kanya. She bit her bottom lip. Bakit tila may hatid na kaunting kilig ang effort nitong ibalik ang alaala sa kanya? Stop it, Pennee. Kababata mo 'yan! Halos kapatid mo na! Kung ano man ang naiisip mo. pigilin mo na.
"I know," ani Yigo na bahagyang tumigil na sa pagtawa, gayunman ay nauubo pa rin. "At hindi ko maikakaila na napakalaki na ng pagbabago mo. Maganda ka na dati. Pero mas gumanda ka pa ngayon."
Hindi batid ni Pennee kung paano tutugon sa sinabi ng binata. Ni hindi na nga niya makatingin ito.
"Kaya nga pala kita sinundan kasi gusto kong makausap ka nang private, Pennee."
Pakiramdam ng dalagita ay naninigas na ang kanyang leeg. Lalo yata siyang hindi makalingon kay Yigo. Ano ang sasabihin nito sa kanya? Tungkol ba sa pakikipagkasundo ng mga magulang nito sa parents niya? Ngunit kung hindi siya gagalaw ay baka maging puno na rin siya katulad ng mga nasa paligid nila. She tried to glance at him over her shoulder. "A-ano bang sasabihin mo sa 'kin?"
"I just wanna tell you that I'm really happy because we met again."
Pennee could see the sincerity in Yigo's eyes. Pinakikislap pa ito ng maliwanag na sinag ng buwan sa kalangitan. The ambiance seemed to suit his soothing voice, making the setting lovely. Kahit walang mga paru-paro o mga alitaptap sa palibot ay nagliliwanag ang tingin ng dalagita sa paligid. Plus, her heart—hindi niya batid kung bakit kailangan nitong tumibok sa paraang hindi niya nakasanayan.
"Alam kong hindi mo na naaalala ang tungkol sa pag-kidnap sa atin noon. At mas mabuti nga na huwag mo na 'yong maalala kahit kailan. But you know what? After that incidence, araw-araw akong nagpapahatid sa bahay n'yo noon. Kulang na nga lang ay tumira na ako sa inyo. I was just so worried dahil sabi nina Tita Persephone, nagkakaroon ka raw ng panic attacks sa gabi at kahit sa school. I was dead worried about you, alam mo ba?"
Pennee made a small smile. But deep inside, her heart was touched by his words. Tila nais niyang maiyak at yakapin ang binata. Bakit gano'n? Hindi ko siya naaalala, pero apektado ako sa mga sinasabi niya? She wasn't aware of the small beads of tears that escaped her eyes the moment she blinked. Bago pa niya pahirin ang mga luha ay nakadampi na ang mainit na palad ni Yigo sa kanyang mukha. He was wiping the warm trail of tears from her cheeks.
"Please, don't cry. Mas masakit sa akin na nakikita kang umiiyak," bulong ni Yigo. Hindi man siya nagkaroon ng trauma na katulad kay Pennee, nang makita niyang nanlumo ang eksprsyon ng maamo nitong mukha ay tila may tumutusok na matalim na bagay sa kanyang puso. "Nandito na ako. Bumalik na ako, kaya hindi ko hahayaang mapahamak kang muli, Pennee."
"Thank you, Yigo." Kahit mamasa-masa pa ang mga mata ni Pennee ay sinikap niyang ngumiti. "Kahit hindi pa kita naaalala, I'm glad you came back. At sobrang timing mo nga, 'di ba? Naaalala mo kaninang umaga?"
"Yeah," Yigo whispered. Sa pagkakataong ito ay umusog siya papalapit sa dalagita. Inipit niya sa likod ng tainga nito ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha dahil sa pagyuko nito. Finally, he raised her face with his hand. Pinaharap niya ito sa kanya. "Tungkol pala sa sinabi ni Dad, huwag mong seryosohin 'yon. Nagbibiro lang ang parents natin dahil tuwang-tuwa sila na nagkitang muli. You have no idea how closed our parents are, especially our fathers. Hindi man sila magkadugo, magkapatid ang turingan nila sa isa't isa. Marami na silang napagdaan at pinagsamahan noon base sa stories ni Mom."
Tumango si Pennee. This time, her smile was less shy. "Mukha nga. At natutuwa rin ako na nagkita na sila."
"Mas lalo ako."
"Teka, magtatagal ba kayo rito? Babalik pa ba kayo sa States?" curious na tanong ni Pennee.
Yigo let go of her face. Malalim ang buntong-hininga niya. "Actually, I'm not sure about that. Lolo is the main reason why we came back. May sakit kasi siya pero ayaw na magpagamot pa."
Kumunot ang noo ni Pennee. "Why?"
Yigo shrugged off. "I don't know. Pero sabi ni Dad, pagod na raw si Lolo sa ospital. Ang gusto na lang daw niya ay umuwi at makita kami bago siya..." Idinaan ni Yigo sa pag-iling ang hindi masabi ng kanyang bibig. "So hayon. Kaya nga, napilitan akong mag-transfer sa Alta Gracia Manila. Within a few days, uuwi rin si Lannah, my younger sister. Tinatapos lang niya ang ilang days sa training niya sa dance school doon sa New York. Sayang kasi. Malapit na rin naman. She's almost just your age, by the way. I'm sure, magiging close kayo agad." He winked.
"I can't wait to meet her too," ani Pennee.
"Gusto ka na rin niyang makita." Kinuha ni Yigo ang kanyang phone at ipinakita ang photo ng kapatid. "This is her."
Pansin ni Pennee ang ilang pagkakahawig ni Lannah kay Yigo. Lalo tuloy siyang nasabik na makita ito at makausap. Madadagdagan na naman ang kanyang mga kaibigan.
"By the way, Pennee, about sa school..." Isinilid na ni Yigo ang kanyang phone at seryosong tinitigan ang dalagita. "Alam na ba ni Tito Ezekiel ang nangyari sa 'yo kanina?"
Mabilis na umiling si Pennee. "No, Yigo. At please, huwag na huwag mong mababanggit."
"Bakit naman? Those girls are bullies. Dapat sa kanila—"
"I can handle them," Pennee slipped her words to cut him off. "Marami nang iniisip ang parents ko. Isa pa, alam ko kung paano pakikisamahan ang mga iyon since classmates ko naman sila."
Halos magdikit ang mga kilay ni Yigo. "Kaklase mo pa ang mga babaeng 'yon?"
"Yes, Yigo. Pero huwag kang mag-alala. Kaya ko sila. So, please huwag mong sabihin kina Daddy, okay?"
"Fine," Yigo sighed. "Hindi ko sasabihin. Pero simula bukas, babantayan kita sa school. Malinaw ba?"