Chapter 16

2025 Words
Napasimangot Pennee. "Maniwala ako sa 'yo. Ang suplado kaya ng lalaking 'yon." "Grabe siya. Dahil suplado, hindi na puwedeng magka-crush?" taas-kilay na puna ni Dolly. "Narinig ko kaya sila ng mga kabarkada niya one time sa canteen. Tinutukso nila si Aaron na ligawan ka na, tutal bagay naman daw kayo." The idea that someone was having a crush on her made Pennee giggled inwardly. He wasn't just someone, she knew it. Bago pa man niya ito naging kaklase ngayong highschool ay batid niyang modelo na ito ng mga teenage apparels for young guys. At noong nakaraang taon lang ay sumali na rin ito sa reality show for artista search. But then, according to some gossip, he dropped the show and the exclusive offer of the showbiz company. Sayang man sa mata ng iba, kung si Pennee ang tatanungin ay naiintindihan niya ang kaklase. Katulad kasi niya ay honor student din si Aaron. Para sa kanila ay mas mahalaga pa rin ang pag-aaral. Gayunman, sa loob-loob niya ay hindi pa rin ganap na sumasang-ayon sa pagsali sa Intramurals. Pulling her thoughts back to reality, she sighed heavily and stared at Dolly. "Maniniwala lang ako kung siya talaga ang magsabi sa'kin, okay? Problema ko na nga ang Miss Intrams, binibigyan mo pa ako ng isa pang problema. Napakasama mong best friend." Malawak na ngumisi si Dolly. "Naku, girl. Papasalamatan mo rin ako dahil sinali kita. 'You're welcome' na agad ang sagot ko. At about kay Aaron, kahit hindi ka maniwala, wala kang magagawa. May tama sa 'yo si Pretty Boy." Kumindat siya. Bubuka na sana ang bibig ni Pennee upang sumalungat nang biglang ihampas ng guro ang stick nito sa blackboard. "Kayong dalawa!" Nakatanaw ito sa direksyon nila. "Masyado na ba kayong sabik sa bakasyon at kahit nagle-lesson ako, nagdadaldalan kayo riyan?" Kahit walang binanggit ang guro ay batid ni Pennee na siya at si Dolly ang tinutukoy nito. Tila nais niyang mag-evaporate na parang alcohol dahil sa kahihiyan. Deep inside, she was screaming at Dolly. She eagerly wanted to go to Mr. Yuan's office too after the class. Hindi niya lang talaga 'feel' na sumali sa contest kung saan kailangang magpakita ng kaunting balat at magpaganda. Halos ibuhos ni Iñigo sa kanyang mukha ang bote ng tubig habang patingala itong iniinom. Kahit nga ang suot niyang shirt ay nababasa na rin sa bandang dibdib niya. The spilling wasn't due to clumsiness. Sadyang nagmamadali siya dahil nakatakda pa niyang sunduin sa school si Pennee. Akmang dadamputin niya ang kanyang bag mula sa bench nang isang pares ng makinis na mga braso ang pumulupot mula sa kanyang likuran. "Bakit parang uuwi ka na? Nagpa-practice pa ang mga ka-team mo, ah." "Vanessa, huwag mo muna akong yakapin," bulong ni Iñigo at lumingon sa dalaga. "Pawisan ako. Baka mabasa ka pa." Hindi ininda ni Vanessa ang pagkalas sa kanya ng binata. Nakangiti pa rin siya habang pinupunasan ng malambot na face towel ang mukha ng nobyo. "Do you think I care? Mas hot ka kaya kapag pawisan. Alam ko 'yon dahil madalas din tayong pawisan kapag magkasama, remember?" Kagat niya ang labi nang tumingkayad at bumulong sa tainga ng binata. "Willing din akong paliguan ka. Kung gusto mo sabayan pa kita." That voice was so sensual, it almost made Iñigo groan. Kung wala nga sila sa public, siniil na niya ito ng halik sa kinatatayuan nila mismo. Public display didn't bother him, though. He was doing a lot of it way back in the US. Ang iniisip lamang niya ngayon ay ang sasabihin ng mga ka-team niya. Puro lalaki pa naman sila sa gym ngayon. "I want too, Vanessa. Pero hindi puwede ngayong araw. Just reserve it some other time," ani Iñigo. Tipid siyang ngumti sa nobya at kinuha sa kamay nito ang tuwalya upang siya na ang magtuloy ng pagpupunas sa kanyang mukha. Kumunot ang noo ni Vanessa. "But why? May lakad ba kayo ng pamilya mo? Wait, kailan mo nga pala ako ipapakilala sa kanila?" Nahinto si Iñigo at tinitigan ang dalaga. Ang tanong ay kung may balak ba siyang ipakilala ito sa kanyang mga magulang. Was their relationship deep enough to pursue getting to know the parents? Siya nga ay hindi pa rin alam ang bahay nito. Ang tanging batid niya ay ang tinitirhan nitong apartment kung saan madalas nagaganap ang maraming kababalaghan sa pagitan nilang dalawa. He enjoyed it, he admitted. Iyon naman talaga ang pinagkasunduan nila—to have some good time with each others company. Iyon lang. It was only a physical attachment for him. Going back to his girlfriend's question, Iñigo shook his head and said, "Actually, wala ang parents ko. Ako lang ang tao sa bahay. And the reason why I can't be with you today is Pennee. Susunduin ko pa siya, so I need to look... decent." Mababa at seryoso ang pagkakabigkas niya sa kanyang huling salita. Tumalikod na siya at tumango sa mga ka-team na kasalukuyang nagba-basketball pa rin. Hindi na niya kailangan pang lingunin ang nobya kung itong kasunod niya dahil walang tigil na naman ito sa pagsasalita sa kanyang likuran. "Honey naman. Wala bang parents ang babaeng 'yan? Talagang kina-career mo ang pagiging babysitter sa kanya? Daig mo pa ang binatang ama sa ginagawa mo, alam mo ba?" Iñigo paused. Halos magdikit na ang kanyang mga kilay nang humarap siya kay Vanessa. "Are you going to argue about her again? Kasi kung oo, mas mabuting huwag na muna tayong mag-usap, Vanessa. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa pag-explain tungkol sa kanya. Hope you get it." That cold and rough respond from Iñigo was like a slap to Vanessa's face. Bakit tila mas tunog 'mind your own business or else, we're over' ang tono ng kanyang nobyo? Bakit ganoon na naman ito makapag-react dahil lang sa nakapagsalita na naman siya nang hindi maganda sa kababata nito? Bumuga ng malakas na hangin ang dalaga. "Fine, I'm sorry... again." She knew, Iñigo could declare a breakup anytime if she got him mad, bagay na ayaw pa niyang mangyari. Sa lahat ng mga naging karelasyon niya, kay Iñigo yata siya pinakatinamaan. Kung sino pa yung pinakamasungit at pinakabinabalewala siya minsan. Dahil ba ito rin ang pinakamagaling pagdating sa kanyang kama? O talagang kapag nag-asikaso ito ay pakiramdam niya ay isa siyang diyosa. How she wished, he cared for her not because she was the most gorgeous thing on the campus. Ayaw man niyang tanggapin, sa tuwing mababanggit nito ang pangalang Pennee ay nilulukuban ng selos ang kanyang dibdib. Hell, this was the first time she felt jealousy, at hindi maganda ang pakiramdam na iyon! Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating na si Iñigo sa bahay. Kanina namang ay naroon pa ang kanyang mga magulang at kapatid na babae. Ngayon ay nakaramdam siya ng lungkot dahil ubod nang tahimik nang pumasok siya sa bahay. At mas lalong naninikip ang kanyang dibdib sa tuwing maiisip ang dahilan kung bakit wala ang kanyang pamilya—they were in Cebu, attending to his sick grandfather. Kung maaari lang na hilain niya ang mga araw hanggang sa araw ng bakasyon upang makasunod na siya. What if I bring Pennee with me? Papayag kaya sina Tito Ezekiel? He thought. Pagkababa ng kanyang bag sa sofa ay dumiretso siya sa kusina. Tinungo niya ang fridge at awtomatikong natakam nang makita ang isang box ng pizza. Hindi na niya naisipang initin man lang ito sa oven at kinuha na ang isang slice. He was too hungry to even prepare for food kaya sa mismong kinatatayuan siya nagmeryenda. Nang makaapat na slice siya ay nahagip ng kanyang pandinig ang doorbell. "Sino naman kaya 'yon?" bulong niya. Pagkainom ng bottled juice drink ay tinakbo ang gate. At napabuntong hininga siya nang mamataan ang hindi inaasahang bisita. "Surprise!" "Vanessa, what the hell are you doing here?" Hindi ininda ng dalaga ang malamig na pagbati ng kanyang nobyo. Bagkus ay dumaan siya sa maliit na espasyo sa pagitan ng bakal na pinto at ni Iñigo. "I brought something for us to eat. Nabanggit mo kanina na mag-isa ka lang, right? Kaya sinundan kita para naman may mag-alaga sa 'yo." Itinaas niya ang dalang paper bag ng pagkain. Halatang dumaan pa siya sa drive thru kanina. Tumingin si Iñigo sa kanyang relo habang isinasara ang pinto ng gate. "You are free to eat what you got in there, pero after two hours, kailangan kong umalis dahil—" "Dahil may susunduin ka pa. I know," pagputol ni Vanessa. Hinawakan niya ang braso ni Iñigo. "Kaya nga simulan na nating kainin ang dala ko para hindi ka mahuli sa appointment mo. Let's go inside?" Tumalima naman ang binata ngunit tila hindi pa rin siya kampante sa presensya ng kanyang nobya sa mga oras na ito. Batid niyang si Vanessa ang tipo ng hindi sapat na dalawang oras lang ang kukuning oras sa kanya. Kaya nga sa tuwing bumibisita siya sa apartment nito ay sinisigurado niyang walang pasok sa school. "Sigurado ka ba? I really need to go before five p.m. At isa pa, kumain na ako. Actually. Maliligo na nga ako." Ipinatong si Vanessa ang paper bag sa center table at umupo na naka-cross legs. "Mind if I join you? Ako ang magsasabon sa body mo." Nang bumuka ang bibig ni Iñigo upang sumalungat ay inagapan niya ito agad. "Kidding! Sige nga. Mag-shower ka na. At kung hindi mo kakainin ang dala ko, ibibigay ko na lang kay Pennee." Iñigo gazed at her in low brows. "Are you sure about that? Sasama ka sa akin sa pagsundo kay Pennee?" Vanessa shrugged off. "Well, kung okay lang sa 'yo." "Of course," ani Iñigo na bahagyang napangiti. Mukhang tinatanggap na ng kanyang kasintahan ang pag-aalaga niya sa kanyang kababata. "Sige, I'll go ahead. Maliligo lang ako. You can watch TV while you wait for me. Just feel at home." Ibinaba ni Iñigo ang kanyang cellphone sa center table katabi ng phone ni Vanessa. "I will." Vanessa really felt at home. Nang umakyat kasi si Iñigo ay imbes na buksan ang TV ay naglibot siya sa buong sala. She gazed at the pictures and smiled. Her guy had a wonderful family indeed. Ramdam niyang galing ito sa matinong pamilya. What if akyatin ko siya sa room niya? Hindi na siya makakatanggi kapag naghubad ako sa harap niya. With that thought, Vanessa excitedly rushed up the staircase. Pinuntahan niya ang pinto na nakita niyang pinasukan ni Iñigo. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang pihitin ang doorknob. "Are you freaking kidding me? Naka-lock?" Nakasimangot siyang bumaba ng hagdan at bumalik sa sofa. Hindi niya akalaing na-predict na ni Iñigo ang kanyang maaaring gawin. Batid ng binata na kapag naghubad na siya ay wala na itong control kaya ngayon ay ginagawa nito ang lahat ng maaaring gawin upang siya ay iwasan. Now, how the hell would she deal with her raging hormones! "Kainis ka, Iñigo. Pero sa ginagawa mong 'yan, lalo mo lang akong ginagawang loka-loka sa 'yo!" Pagkaupo niya ay dinampot ang remote. Pagbukas ng TV ay nilakasan pa niya ito. Nang ipatong niya ang remote sa mesa ay napansin niyang umilaw ang cellphone ni Iñigo. Halos malukot ang mukha niya nang makita na nag-pop up ang maliit na bilog na may mukha ni Pennee. "Ikaw ang may kasalanan nito, babae ka," angil niya at dinampot ang phone. Pagkabasa sa chat message ni Pennee ay lalo siyang sumimangot. Yigo, if ever na hindi mo ako makita sa classroom, nasa library lang ako, ha. Doon na lang kita hihintayin kasi kakausapin ko lang ang instructor sa intrams. Pinipigilan niya ang sarili na ibato ang phone kahit lalo siyang nakadama ng inis. "Ang arte-arte naman nito. Kung makapag-demand, akala mo kung sino. Ano bang pinakain ng babaeng ito kay Iñigo para sundin siya? Kainis!" Dahil sa pagkayamot ay kusang gumalaw ang kanyang mga daliri at nireplayan si Pennee. Sorry, girl. Hindi ka susunduin ng BOYFRIEND KO. He is too busy with me, kaya kung okay lang sa 'yo, magpasundo ka na lang sa iba. Understood? Hindi pa siya nakuntento. Hinubad niya ang kanyang damit at itinira ang lacy bra, saka nag-selfie at ipinadala rin kay Pennee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD