Chapter 15

1226 Words
Lumingon muna si Pennee sa loob ng klase. Mabuti at wala pang guro. Ang mga classmate naman niya ay kaniya-kaniya ang daldalan sa bawat isa. She looked up at him. "Ano naman iyon?" "May practice game kami mamaya sa labas ng campus. Bale sa St. Florence Square to be exact." "Oh..." Pennee blinked. Malayo-layo rin ang lugar na 'yon sa kanilang school. "Okay. Tapos?" "Hindi ako sigurado kung anong oras matatapos. Pero huwag kang mag-alala. Hindi ako mali-late. At exact four p.m. nandito na ako sa labas." Mabagal na tumango si Pennee. Bakit bigla siyang nag-alala? Kahit kailan naman ay hindi pumalya sa pagsundo sa kanya si Iñigo. Lagi rin itong on-time sa pagsundo sa kanya dahil ayaw nga nitong tumatambay siya sa klase kapag quitting time. So, getting back to the question—ano't ganoon na lang ang pag-aalinlangan niya? Nadama na lamang ni Pennee na pinisil ng binata ang kanyang baba. "I know you're going to miss me. Pero ipinapangako ko, kahit hindi pa tapos ang game, sisibat ako para dumating dito bago ang uwian. Kaya hintayin mo ako mamaya, alright? Don't talk to strangers." Kumindat siya bago tumalikod at sisipol-sipol pa habang naglalakad palayo. Kung maaari lamang na batuhin niya ng bag ang binata, gagawin niya. Hindi siya makapaniwala na naisahan na naman siya nito bago pa umalis. *** Ang buong akala ni Penne ay dahil sa kaunting araw na lang ang nalalabi bago mag-sembreak ay maluwag na rin ang kanilang leksyon. Ngunit kabaligtaran ang nangyari dahil katakot-takot na pages ang ibinabato sa kanila ngayon. Tila lalo pang nasisiyahan ang kanilang guro na nakasimangot sila habang kinokopya ang instructions sa board. "Mahaba-haba rin ang bakasyon n'yo, class. Kaya ito ang mga homework, okay? Mabuti na rin 'yong hindi kayo tumitigil sa pag-aaral kahit wala tayo sa school. This is for you all too. Am I clear?" Matamis ang ngiti ng guro sa kanila. The class groaned, "Yes, Ma'am". Mayamaya pa'y isang matangkad na lalaki ang pumasok at tumayo sa harapan. He was wearing a baseball cap and a polo shirt with the Alta Gracia logo on the chest. Nang tumango ang kanilang guro sa lalaki ay saka ito nagsalita sa kanilang lahat. "Hello, guys. I'm Mr. Yuan, one of the facilitators for the upcoming intramural sports." He waited for the acknowledgement of the students before he continued. "I'm here to get the names of those involved in the particular game. "So, since fixed na ang players natin sa basketball. Ang kukunin ko lang na players ay para sa volleyball, badminton, track and field, taekwondo, at sepak takraw. Doon muna tayo sa volleyball. Who wants to join? Girls only." "Me!" Napatingin ang lahat sa pinakahuling row. "Good. May I know your name, young lady?" "I'm Scarlet. At MVP ako sa last school kaya malaki ang chance n'yo kapag kasali ako sa team." Nagpalakpakan ang buong klase sa confidence ni Scarlet. Kahit si Mr. Yuan ay humanga rito kaya agad na pinapunta sa harap upang bigyan ng form ay kunin ang buong pangalan. Pagkatapos ni Scarlet ay dumako naman ang facilitator sa iba pang sports. Walang kimi ang klase at buong kompiyansa na nagpalista sa mga nais nilang salihan. Afterall, the class was the cream of the crop kung tawagin ng ibang section. Minsan ay powerhouse class pa dahil magaling ang mga ito sa academics man o extracurricular activities. "Okay!" Mr. Yuan sighed in excitement. Ngayon pa lang, binabati ko na kayo, class. Napaka-sporty n'yo." Muli nitong pinahapyawan ng basa ang hawak na papel at biglang napataas ang mga kilay. "Oh, no! Muntik kong makalimutan. Kailangan din pala ninyo ng at least one candidate para sa Mr. and Miss Intramurals. So, sino ang puwede? Anyone?" Nagtaas ng kamay ang guro habang pinapahapyawan ng tingin ng buong klase. Biglang tumayo si Dolly at itinuro ang walang kamalay-malay na si Pennee. "Si Penelope Sanches po for Miss Intrams!" Natagpuan na lamang ni Pennee and sarili na hinihila siya ni Dolly papunta sa harapan ng klase. Kung haharap siya sa salamin ngayon, batid niyang mukha siyang tanga dahil ni hindi niya alam kung bakit siya naroon? Did she even raise her hand to participate in a certain sport? "Good! Mabuti at may willing na sumali sa Miss Intrams. Thank you, Penelope." Napalingon si Penpen sa instructor. Nakangisi itong sumusulat sa hawak na notebook, saka muling bumaling sa klase. "Now, isa na lang. Sino ang puwedeng Mr. Intrams?" "Si Aaron Chan po, Sir! Model po'yan, kung hindi ninyo naitatanong," exclaimed a young guy in the farthest row. Itinuturo pa niya ang binatang binaggit niya na mabilis namang sinang-ayunan ng buong klase. "Ay, opo! Si Aaron Chan! Tiyak na panalo na kami kapag siya ang isinali!" Kasalukuyang nakayuko si Aaron sa cellphone nito. Ngunit nang marinig ang pangalan ay nakasalubong ang mga kilay na umangat ang mukha. "Why me?" Sumenyas si Instructor Yuan sa binatilyo. "Can you go here, brother? Para makita namin kung bagay nga kayo ni Penelope." Halata sa mukha ng binatilyo ang pagkalito. Gayunman tumalima pa rin siya bilang tanda ng paggalang. He stood at his full height, and even though he was walking lazily to the front, he still looked like a model showcasing the expensive jacket he was wearing. Tumango na nasisiyahan si Mr. Yuan. "Sa tikas mong 'yan, malakas ang laban ng department natin," aniya. Hinila niya ang binatilyo sa braso nito at itinabi kay Penpen. Muli siyang humarap sa klase na nakangisi. "Class, bagay sila, 'di ba?" Muling lumakas ang hiyawan ng buong klase. The impact made Pennee blushed hard so she stared at her feet. Hanggang ngayon, hindi niya mawari kung paano napunta sa ganoong kalagayan. Salamat sa kanyang matalik na kaibigan na ngayon ay ini-imagine niyang sinasabunutan niya sa isipan. Kainis ka talaga, Dolly! Kung alam ko lang, um-absent sana ako ngayon. Mayamaya'y nagpaalam na si Mr. Yuan. Pag-alis nito'y nagsibalikan na ang mga masuwerteng napili sa kanilang mga upuan. "Okay, let's go back to our lesson. Ito ang dapat inuuna ninyo at hindi ang pagpapares. Tandaan n'yo, mga bata pa kayong lahat..." Habang patuloy na nanenermon ang kanilang guro ay bumulong si Dolly kay Pennee. "Si Ma'am talaga, napaka-KJ. Ano ang tingin niya sa atin, mga kinder?" Imbes na sumang-ayon, mababaw na kinurot ni Pennee ang kaibigan sa tagiliran nito. Lalo siyang naasar nang tinawanan lang siya. "Ano bang iniisip mo, Dolly? Bakit sinubo mo ako sa Miss Intrams na 'yan?" pabulong pero madiin niyang sabi rito. "At bakit hindi? Pennee, kung hindi mo pa alam, ipapaalam ko na 'yo na ikaw ang pinakamaganda rito sa klase natin—kahit nga sa buong grade ten, eh. Mas maganda ka pa kaya sa mga regular na sumasali sa Miss Intrams. Sila kasi, makeup lang ang nagdadala. Eh, ikaw—natural beauty. Mukha kang Latina." Pinanliitan ni Pennee ng mga mata ang kaibigan at umayos sa kanyang pagkakaupo. Sa guro na siya nakatingin—na kasalukuyang nagsusulat sa blackboard—pero kay Dolly pa rin ang atensyon niya. "Sinasabi mo lang 'yan kasi best friend kita." "Pennee, for your information, hindi lang ako ang nagsasabi niyan." "Talaga lang, ha? Bakit, sino pa ba?" Sandaling lumingon si Dolly sa direksyon ng hinirang na candidate sa Mr. Intrams na si Aaron. Napangisi siya nang mahuling nakatingin ang binata sa direksyon nila. Muli siyang bumaling kay Pennee. "Eh, 'di si Aaron. Crush ka kaya niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD