Chapter 14

1496 Words
"Mukhang malalim na naman ang iniisip mo, Pennee. Mind to share?" Pennee was drawn back from her frustrated thoughts when Iñigo spoke. Pumipihit na ito palabas ng driveway at pansamantalang bumitiw ang isang kamay sa manibela upang hawakan ang balikat niya. Sanay na siya sa pagiging touchy nito. The feeling of his warm hands was relaxing, anyway. Batid niyang pag-aaruga ng isang kapatid ang tanging hatid lamang nito. "It's about Sir Carlos," Pennee finally responded. Humarap siya sa bintana. "Hindi ko ma-imagine kung bakit gano'n si Scarlet, samantalang sobrang bait ni Sir at considerate. Kanina ko nga lang narinig na nagtaas siya ng boses." "I don't know, Pennee. Pero hindi mo dapat iniisip ang tungkol diyan," Iñigo said after exhalling soundly. "She's not worthy of your attention, alright? Madaragdagan lang ang mga guhit mo sa mukha." Pennee frowned and glanced at him over her shoulder. "Parang sinabi mo na rin na may fine lines na ako." Sumulyap si Iñigo sa kanya at tumutok muli sa daan. "Wala pa naman dahil bata ka pa. Pero kahit magkaroon ka ng fine lines, maganda ka pa rin. In fact, you are more beautiful than Vanessa." That was supposed to be a compliment that must be recognized. But for some reason, Pennee couldn't find a word to respond to him. He found her beautiful, alright. Pero 'yong ikumpara siya at sinabing siya ang mas nakahihigit ay isang bagay na hindi niya inaasahan. "Pennee, sorry nga pala dahil nagkaroon ako ng girlfriend." Doon bahagyang natawa si Pennee. "S-so? Wala naman sa akin 'yon. Bakit ka naman nagso-sorry?" "Wala naman," Iñigo muttered. "Nangako ako na sa'yo lang ang attention ko, right? But then Vanessa shows up." "Please don't be guilty about it," sabi niya at muling tumingin sa labas. "Aware naman ako na may sarili ka ring buhay." "Did she treated you not right the last time we went out?" "Hindi, ah," mabilis na tugon ni Pennee. Umiling pa siya pero hindi pa rin lumilingon. "Mabait siya at palangiti... kapag nakatingin ka." She kept her last three words to herself. "Well, dapat lang na maging mabait siya sa 'yo, Pennee. Kasi sa pagitan n'yong dalawa, ikaw pa rin ang priority ko." *** Ilang linggo pa ang dumaan at nakasanayan na rin ni Pennee na hatid-sundo siya ni Iñigo. Sa tuwing lalabas nga siya sa gate ay awtomatikong nakaparada na ang sasakyan ng binata sa tapat ng bahay nila. Hindi na ito pumapasok sa loob dahil madalas ay nakikipag-usap ito sa cellphone. Kung hindi ang parents nito ay ang girlfriend nito ang kausap. For some reason, she felt irritated towards the latter. Tama bang makipag-flirt si Yigo sa telepono samantalang nangako itong kapag siya ang kasama ay sa kanya lamang nakatuon ang focus nito? It was a regular morning. Katulad din ng nakasanayan ay pagbaba ni Pennee mula sa kanyang kuwarto ay wala na ang kanyang parents. Mas malayo na kasi ang mga binibisitang foundation ng mga ito kaya alas-sais pa lang ay nakaalis na. Si Kiel naman ay inaasahan niyang natutulog pa sa silid nito dahil wala na itong klase. Samantalang sila ay may isang linggo pa bago sumapit ang Intramurals. Ilang minuto pa at mabilis tinapos ni Pennee ang pagkain. Wala rin naman siyang kasalo sa mesa kaya ano pa ang dahilan upang magtagal siya sa hapag kahit maaga pa? Gayunman, naka-uniporme na siya nang sa gayon ay lalabas na lang siya kapag narinig niya ang pagbusina ni Iñigo. Na hindi nga nagtagal ay umalingawngaw na sa labas ng gate. She frowned. Sasamantalahin na naman niya ang moment na 'to para tawagan ang girlfriend niya. Para namang hindi sila nag-uusap buong gabi or nagkikita sa school. Ipa-terminate ko na kaya siya bilang yayo ko? Natawa siya sa huling tinuran sa isipan. Sa tuwing inaasar kasi siya ni Iñigo nitong mga nakaraang linggo ay tinatawag niya itong alalay niya or yayo bilang ganti. Gayunman, hindi pa niya ito nakikitaan ng pagkapikon sa kanya. Samantalang siya ay kindatan lang nito ay namumula na sa pagka-conscious. Hindi niya maintindihan kung bakit sensitibo siya sa walang malisya na panunukso ng kababata. Dahil ba magkaiba sila ng pananaw sa isa't isa? Na dahil sa pagiging maalaga nito at maalalahanin sa kanya ay unti-unti nang umuusbong ang pakikitungo niya rito? What a shame, his Yigo still saw her as a little sister. Parang si Lannah lang na nakababatang kapatid nito. Naglalakad na palabas ng pinto si Pennee nang marinig niya ang sunod-sunod at walang patid na pagbusina. Napasimangot tuloy siya. Masyado namang atat! If I know, nagbababad na naman siya sa phone. Kunwari pa na pinagmamadali ako. Hindi niya ako ma-go-goodtime this time! Sinadya niya na lalong bagalan pa ang paglakad. Paglabas ng gate ay hindi siya nagkamali sa inaasahan. Talagang may kausap nga si Iñigo sa phone nito. The young man was leaning against the sports car, one hand in his pocket, the other holding the phone pressed against his ear. Pero sa pagkakataong ito, napansin niyang seryoso ang mukha ng binata. At pabulong din ito habang nagsasalita. "Okay, Mom. No problem. Mauna na kayo sa Cebu. Susunod na lang ako pagkatapos mismo ng Intrams. Hindi ko kasi puwedeng iwanan ang team. Is Lolo okay? But if you want, mag-e-excuse na ako ngayon para makasunod diyan." Sunod-sunod na tumatango si Iñigo habang tahimik na pinapakinggan ang nasa kabilang linya. Pennee was already beside him when he said goodbye and slid the phone back into his jacket's pocket. "Si Ninang Innah ba 'yon?" Pennee asked worriedly. "Ano raw ang tungkol sa lolo mo?" Bagsak ang mga balikat ni Iñigo nang magbuntong-hininga siya at lumingon sa dalagita. "She says, Lolo decides to have a vacation in Cebu. Nami-miss daw ang dagat. Anyway, mas makabubuti nga sa health niya 'yon. Baka sakaling mawala na ang taning sa kanya. I know it's quite impossible lalo na't ayaw na niyang magpa-confine sa ospital. But who knows?" He let out an empty chuckle. Tila kinurot ang puso ni Pennee. Kahit itago ng binata sa kanya ay ramdam niya ang pag-aalala nito. Minsan na rin siyang nakabisita sa bahay ng lolo nito. That was a few weeks ago. Inimbitahan kasi ang pamilya niya noong mag-birthday ito. She had forgotten the old man's age, but he really looked old and weak. Napayakap si Pennee sa braso ng binata. "Tama ka, Yigo. Who knows, magkaroon ng miracle at humaba pa ang buhay niya. Naalala ko nga, 'yong lola ng classmate ko, nagkapag-celebrate pa ng 100 years last week lang. Kaya ngumiti ka na riyan kasi sayang ang looks mo kapag sobrang seryoso mo. Everything will be okay, Yigo." Iñigo looked down at her. Amazement was sparkling in his eyes. Marahan siyang ngumiti. "So, lagi mo palang pinapansin ang looks ko, Pennee?" "H-huh?" Namula na tila kamatis ang mukha ni Pennee. She wanted to deny it, but for heaven's sake, bakit pakiramdam niya ay lagi siyang tina-traydor ng kanyang mga ekspresyon? "Hindi ah! Bakit, may binanggit ba ako na guwapo ka? Sobrang pangit mo kaya!" "Really?" Iñigo grinned. "At ikaw naman, ang cute mo kapag namumula." Gustong matunaw ni Pennee sa kinatatayuan. Ngunit dahil hindi siya mantikilya ay lumihis na lang siya ng tingin. "You're talking no sense. Tara na nga. Baka mahuli pa ako sa klase." Natatawa pa rin si Iñigo nang buksan ang pinto ng kotse para sa dalagita. "Alright, mahal, I mean, kamahalan. Pwede ka nang pumasok sa loob." Nagyuko pa siya ng ulo habang nasa dibdib ang isang kamay. "Karangalan ko pong pagsilbihan kayo habambuhay." "Ano bang sinasabi mo? Nang-aasar ka lang, eh!" ngitngit ni Pennee at padabog na umupo sa loob. Nang maisara ang pinto ay pinagmasdan niyang umikot sa sasakyan ang binata. Nang makasakay ito sa driver's seat ay saka siya umiwas ng tingin at lumingon sa bintana. "Seatbelt po, kamahalan. Pakisuot na lang at baka sa pulis tayo humantong imbes na sa school," paalala ni Iñigo sa mapaglarong tinig. "Fine." Pennee fastened her seatbelt. Pero sa labas pa rin siya nakatanaw. "Okay na po ba? Ano pa pong gagawin? Turn off my phone?" "Ay no need po. Hindi naman na tayo dadaan sa gas station kasi dumaan na ako ro'n bago pumunta rito. Kaya we're good to go." "Talaga lang ha. Baka kailangan mo pang tawagan ang girlfriend mo bago tayo umalis." That was supposed to be a whisper. Ngunit sa inis niya ay napalakas ito. Huli na upang bawiin ni Pennee dahil nakangisi si Iñigo nang lingunin niya ito. Ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa kalangitan dahil hindi na siya nito tinukso. Humupa na ang pagkainis ni Pennee nang makarating sila sa school. Dapat lang talaga na ikondisyon na niya ang kanyang mood, kung hindi ay baka maapektuhan ang kanyang klase. Mabuti nga't hindi na siya pinapakialaman ni Scarlet. Gayunman, iniirapan pa rin siya nito sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata. Nang nasa pintuan na ng classroom ay inabot ni Iñigo ang bag sa dalagita. "By the way, I need to tell you something."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD