Ronoel MATAPOS magtungo sa boutique ay dumiretso kami dito sa coffee shop. As usual okupado ulit ni Bryson ang isang table sa kaliwang bahagi at nando'n naka-upo habang naghihintay sa akin. Ginawa na niyang opisina iyon dahil dala na rin niya ang mga papeles na mga pinipirmahan niya. "Ang swerte mo naman kay Sir Bryson. Bukod sa gwapo, mayaman, mabait at matalino, e talagang nakikita ko sa mga mata niya na mahal na mahal ka niya." Napalingon ako kay Richel sa sinabi niyang iyon. Nagtitimpla ako ngayon ng kape para kay Bryson. Nakangiti siya sa akin, pero bakas sa mga mata niya ang lungkot. Nginitian ko siya. "Makakahanap ka rin ng katulad ni Bryson. Siguro hindi pa ngayon, pero sa tamang panahon," wika ko na ikinatawa niya. "Kumusta na pala ang nanay mo? Nakalabas na ba siya ng osp

