SEN’s POV Katatapos lang namin ni Mommy magluto nang dumating si Danica. “Hello po, Tita. Hi, Sienna,” bati niya sa amin. Nakatayo siya sa may pintuan. “Pasok ka, Danica.” Si Mommy ang humarap muna sa kaibigan ko. “Busy ang kaibigan mo sa pagluluto. Kumain ka na muna para matikman mo ang luto niya.” Nasarapan si Mommy sa timpla ko. Kaya proud na proud siya. “Nakakahiya naman po. Ako yata ang buena mano ninyong bisita.” “Para ke ano pa’t naghanda kundi para ipakain. I-share ang blessings.” May point naman si Mommy. Pangalawa si Danica sa nasarapan sa luto ko. Nasa likod si Daddy, nagkakatay sila ng kambing. Marami kaming handa ngayon. Isa na sa dahilan dahil darating si Ninong. Iniwan ko muna si Danica kay Mommy. “Magbibihis lang muna ako.” Paalam ko sa kanya. Nagyayaya siya na

