SEN’s POV “Ang tagal mo naman. Kanina pa kita hinihintay roon di ka na bumalik,” angal ni Danica. “Sobrang init kasi. Init na init ako kaya nagpapalamig pa ako sa loob.” “Pareho naman tayong naglakad na dalawa. Okay naman ako. Hindi na ako naiinitan.” Sabi pa niya. “Doon na lang tayo sa loob ng kuwarto ko o uuwi ka na?” tanong ko sa kaniya. Baka kapag nagtagal pa kami rito ay biglang pumasok si Ninong. Makikita na naman niya ako. Natatakot ako baka nasabi niya kay Daddy. Sabi ni Mommy walang lihiman ang Daddy ko at si Ninong. Paano iyan? “Nagpapawis ka nga talaga. Sige sa loob na tayo ng kuwarto mo. May sasabihin pati ako sa ‘yo.” Natutuwa niyang wika. Siya pa ang humawak sa akin para igiya ako papasok ng aking silid. Lumalabas parang ako pa ang bisita. Naupo kami sa aking kama.

