GWENETH
"Shh utoy tumahan ka na, pupunta rin tayo sa mama mo. Nandito naman si magandang tita, huwag ka ng umiyak mas mahal kita kesa sa pagmamahal ng nanay mo"Inaalo ko siya, lalong umiyak ng malakas. Niloko ko lang naman.
"Balong naman eh, niloloko lang kita. Mahal na mahal ka n'un kaya tumahan ka na." bulong ko sa kanya
Pinipilit ko pang ipasok yung tsupon ng bote ng gatas niya sa bibig niya pero ayaw niya namang sipsipin, nasasamid pa.
Maaga akong gumising para kay Utoy, pero anong saysay ng gising ko kung hindi naman ako natulog? Hindi ako natulog dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari kahapon puro dugo na lang ang naiisip ko.
Si Papa, ganun ang trabaho niya para mabuhay kami? Malaking pera kapalit ng buhay niya? Ayan wala na siya wala na rin kaming pera, napakabait ng tatay ko pero... Hindi ko na alam ang iisipin ko na sa kaniya ngayon.
Tumahan na si utoy, nakahinga na ako ng maluwag. Nagsimula na siyang uminom ng gatas.
"Salamat naman." yumuko ako para ihiga siya sa sofa, hindi siya mahuhulog dahil yung pangdalawahang upuan ay dinuktong ko doon para kung malikot man siyang matulog hindi naman siya malalaglag.
Tahimik akong hinahawakan yung bote ng gatas niya, medyo nangangawit na nga ako. Sa sobrang init wala ng kwenta yung electricfan akala mo may humihipan lang sayo buti pinagmamouthwash ko yung electric fan namin.
"Wait lang utoy kukuha lang ako ng pamay---" tatayo sana ako para kumuha ng pamaypay sa kwarto ko kaso may kumakalabog ng pintuan at hindi kumakatok! Kinakalabog aba, inahin anong akala nila sa pintuan namin? Gawa sa bakal? ang OA naman kumatok.
"Oo andiyan na!" bumubulong pa ako ng kung ano ano kasi nakakainis naman, hindi nga matigay yung bahay namin pintuan pa kaya.
"Sino-" pagbukas ko ng pinto, nalaglag ang panga ko ng makita ko ang matipunong lalaki na nakatayo sa tapat ng pintuan namin na naninigarilyo, nakablack suit at may highlights ang buhok. Napalunok ako, si Kick Pekpek, este Pepe.
Bigla niya akong binugahan ng usok. Naubo ako sa ginawa niya dahil nakanganga pa naman ako! Badtrip na langhap ang hindi masarap, may sakit na nga nanay ko makikisama pa ako.
"You look dumb." kunot noo niyang sabi.
"Flint anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko pero hindi siya sumagot at hinawi lang ako, sa pagkalakas ng hawi niya tumama ako sa pintuan. Aba hayop talaga 'to.
"Papasok." napaikot ako ng mata. Siraulo talaga siya eh, nakapasok na siya tapos nakasakit pa, kung makabangga akala mo hindi ako babae.
Mamaya mapisat yung dibdib ko dahil sa kanya, pipisatin ko sa kanya yung itlog niya... Itlog niya sa bahay. Pinagmasdan niya yung maliit na bahay namin.
"How many are you living here?" walang keme kemeng tanong niya habang iniikot ang tingin sa loob ng bahay namin.
Lumapit ako sa tabi niya at tumingala sa kanya, tumingin naman din siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin, agad akong umiwas dahil nailang ako. Minsan lang ako makaharap ng gwapo. Dito sa lugar namin kapit-bahay namin na si Xandor Ford na lang tinitiliian, no choice.
"Ay census ka? Mga lima kami." Sinantabi ko ang pagkailang ko.
Biglang umiyak si Utoy, naalerto naman ako. Naalala ko may bata pala dito, lumapit ako kay utoy. "Flint pwede bang huwag ka ditong magsigarilyo?" binuhat ko siya at inaalo. Namimiss na niya siguro ang mommy niya.
"Shh utoy tama na ading." marahan kong pinapalo palo ang pwet niya para patahanin siya at medyo sini-swing ko pa.
"Anak mo?" tumingin ako sa kanya at na offend. Sa mukha kong 'to magiging nanay ako pero wala naman akong problema sa mga batang nanay ngayon. Basta tanggapin nila ng buong puso ang blessing, wala akong problema doon.
"Hindi, pamangkin ko." ngumiti ako sa kanya at bumalik ako kay utoy. Lalong lumakas yung iyak ni utoy. "Ading naman eh ano bang gusto mo maganda naman ako eh!" nakabusangot na sabi ko, panandalian siyang tumigil at tumitig sa akin. Pero lalong lumakas yung iyak niya.
"Ay nako ading." pagod kong sabi.
"Tss magtatahan ka na lang kasi tatakutin mo pa, ang pangit mo kaya huwag ka ngang magsinungaling." dire-diretso niyang sabi. Ambastos talaga ng bibig nitong Mafia na 'to, budburan ko ng paminta at sili e.
Lumapit siya sa akin at kinuha yung bata, kahit na nagtataka ako at natakot, mamaya hindi niya alam kung paano humawak ng bata. At saka baka matakot yung bata sa kanya, pero nagkamali ako.
Nung nasa bisig na niya si utoy ay ngumiti lang siya doon sa bata at hindi na siya umiyak. Biglang parang may kumurot sa puso ko dahil sa nakikita ng mga mata ko, sobrang nakakatuwa siya.
"Buti nalang hindi mo kamukha ang tita." nawala yung ngiti sa mga mata ko at ngumingisi siya kay utoy. Hayup 'to.
Hindi ko pinansin pangungutya niya.
"Sino yung mga lalaking sumunod sa atin kahapon?" seryosong tanong ko. Napatigil siya sa paglalaro kay utoy. Bago niya ihiga si utoy sa sofa ay tumingin muna siya sa akin, tuluyan na niyang binaba si utoy. Lumapit siya sa tabi ko at sumandal rin sa likuran ng sofa.
"They are Montayog Mafia, they are the reason why I'm at the back of your house. We're about to have a negotiation but things get f****d up when you showed up." sabay tingin sa akin at nanlaki yung mga mata ko at tinuro ang sarili ko "Yes. Ang usapan kasi ako lang, there's no excuse kung may nakita silang tao kasama ko man o hindi, kahit hayop pa yan. Papatayin nila ako."
"Pero hindi ba nila nakita na kinikidnap kita? Tanga tanga naman." umiling ako, mga shonga pala sila hindi ba sila natuwa at inisip na 'ay mapapapatay yan ng babae'.
Pinagmasdan niya ako at parang hindi siya sa akin naniniwala kasi nakakunot yung noo niya.
"Are you dumb? Nakita mo ba kung paano mo ako tinutukan ng kutsilyo? If you think that's kidnapping, then for them it wasn't looked like one like we're scheming dumb s**t. Atsaka ang pangit mo." nanlaki yung mga mata ako ang sama naman nito ni Flint komokota na 'to sa akin ah? Ano namang kinalaman ng pagmumukha ko sa pangi-ngidnap.
Kahapon lang kami nagkita ah
"Hindi tayo close para sabihan mo ako ng pangit kanina ka pa, kumokota ka na saa----" nalagutan ako ng hininga ng mabilis siyang yumuko para ilapit ang mukha niya sa akin.
"Is this closeness not enough? or should I move..." naramdaman ko ang hininga niya na tumatama sa aking labi "Closer?" nakatingin siya sa mga mata ko.
Napalunok ako, pota ang init... Mainit. Masyadong mainit nangangati na ako!
Huwag! Kaya ko 'to! pigilan mo Gweneth. Nilayo ko yung ulo ko at iniharap ang ulo ko sa may tv.
"Kukuha lang ako ng tubig." bulong ko sa kanya, nung papaalis na ako ay naramdaman ko yung kamay niya na nasa buhok ko. Hinila niya ito.
"Aray! Pucha anit ko!" tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Hinawakan ko ang ulo ko at Sinamaan ko siya ng tingin.
Napatulala siya sa akin ng panandalian at agad na umiwas ng tingin. Napansin ko parang namumula yung ilong niya, ganun ba ako kapangit para magkasipon siya? So totoong pangit ako? Hindi pa rin ako kumbinsidong pangit ako hindi maaari, ikahihiya ako ng ate ko!
Nakatingin siya sa ibang direksyon, umubo siya.
"*cough* Ang pangit mo parin." ako lang ba o may hiya sa boses niya. Inikutan ko lang siya ng mata at tinalikuran.
Ipagduldulan ba naman sa akin na pangit ako. Baka mamaya pag nagmatigas pa ako kitilin niya yung buhay ko, mababawasan ang maganda sa universe.
Teka nagkalimutan na, bakit siya naparito? Pagkatapos kong uminom ng tubig dahil sa sobrang init dahil nandito siya, malaki kasi siyang polusyon kaya mainit huwag kayong ano.
Bumalik ako at seryosong tinanong siya. "Bakit ka nandito?" bulong ko sa kanya, magkaharap na kami.
Ganun parin seryoso pa din yung mukha niya at nakaharap sa akin.
"Where's the knife?" tanong niya. Napakunot yung noo ko.
"Nasa akin bakit?" umiling lang siya.
"Remember my conditions?" naalala ko yung transaksyon na naganap sa kotse kahapon. Tumango ako.
"Kapalit ng buhay ko ay sumali sa mafia mo. Tutulungan niyo pamilya ko kapalit ng pagpwesto ko sa posisyon ni papa at pakakasalan ka pero sabi mo joke lang yun? Naguguluhan na ako, ano ba talaga?" dire-diretso kong sabi, napakamot ako sa ulo. Ang gulo rin kasi ng lahi niya.
"No this time I'm serious, you have to marry me." nanlaki ang mata ko at napasinghap.
"Ano?!"
Tumango siya, walang kahit anong emosyon ang nasa mukha niya dahil seryosong seryoso siya. Malamang seryoso nga talaga 'to, baka walang nagkakagusto sa kanyang babae kaya desperado na siyang magka-asawa. Hahaha issue eh ano.
"There's an annual contest or pageant in underground where the ladies or wives of the mafia compete for the crown. This adds more power and make ranks higher to the Mafia world here in Philippines. Currently, my family still rank as number one but I got a warning if I don't bring someone they tatanggapin nila 'yon as a sign of breaking of binds. "
"Ha? Akala ko magkakaaway kayo? Bakit naman kayo bakit may ganiyab pa kayong kaartehan sa buhay." Naguguluhan ako diba mga gang fights ganoon?
"We also know the word ceasefire." Simpleng sagot niya. "This kind of events allows us to work with other mafia just in case things gets dirty."
"since you have the guts on kidnapping me at tatay mo naman ay kaibigan ko then why don't you come with me? I will ensure your family's wealth." bakit kasi dinadamay niya pamilya ko sa kondisyon. Nahihirapan akong tanggihan, syempre pamilya ko at kailangan na kailangan ko talaga ng pera at trabaho. Nasa harap ko na ang solusyon.
Pero hindi ko akalain pati asawang babae ay nagpapaligsahan na.
"Ano naman gagawin ko doon?" naguguluhang tanong ko. Nagsmirk naman siya.
"Just never leave my side and become beautiful because you're on the ugly side pero magagawan natin ng paraan yan." napabusangot ako kotang kota na talaga siya sa akin. Ang sakit kaya masabihan ng pangit!
"Remember the pinky promise or something?" ngumisi siya. Shet naalala ko sabi niya hindi niya ako iiwan.
Hay... hanggang ngayon naniniwala ako sa pinky promise at kailan man hindi ko lalabagin yun. nakapangako na kami sa isa't isa. Isa akong dakilang fan ng pinky promise, nak naman.
Napakamot ako ng ulo at napapadyak. "Ano ba yan, sige na nga! Oo na oo na pag ako namatay dito at nakapatay puputulan kita ng ano." tumawa siya, awe parang kinurot yung puso ko sa tawa niya. akuchikuchikuch gaguhan, ginawang baby.
"Nang alin?" mapaglaro niyang tanong, ahh andumi talaga neto.
"Nang mga daliri." inikutan ko siya ng mata.