GWENETH
"Mabilis ka naman pala makausap, mag-seat belt ka." may parang kinukuha siya sa ilalim ng upuan niya.
"Ha?" Biglang lumiko si manong at bumilis yung takbo ng kotse. "Ay!" napasubsob ako sa dibdib ni ano, ni Kick Pepe. Ano ba 'yan ang awkward naman ng pangalan niya, nasanay na ako. Flint, Flint ang pangalan niya.
"Tss, may lakas ka pa ng loob na tyansingan ako, doon ka, doon magseat belt ka." Tinulak niya ako at tumama yung ulo ko sa salamin. aba samsung ng ina nito! Tinignan ko siya ng masama pero ginawa ko na lang yung sinabi niya na mag-seat belt ako.
Kapal ng mukha, ako manananching? chingchingin ko siya, Psh hindi ko ugali yun, nangsusunggab ako hindi ako nananching, pang weak lang yun.
May hawak na siyang baril at hindi ko alam kung saan niya nakuha yun! "Hoy! Anong hawak--- ay Pepe!" napatili ako at napatakip ng tenga ng may narinig akong putukan ng baril.
Binabaril na kami my goodness!
Bullet proof yung kotse, astig. Astig din na malapit na akong mamatay. Ansarap magmura. Napansin ko na ibababa na niya yung bintana niya syempre natakot ako mamaya mamamatay siya. Ayos lang naman na mamamatay siya huwag lang sa harapan ko mamaya mainggit yung ovaries ko magka menstruation ako. Loko lang.
Concern lang ako dahil umoonti na ang lahi nila, lahing pinagpala ng may kapal. Badtrip lang dahil yung hobby niya ay ang pakikipaglaro sa kamatayan. Baka nga bestfriend niya at magind close ko pa. Huwag na uy!
Hinila ko siya. "Sandali lang anong ginagawa mo?!" bulyaw ko sa kanya, tumaas lang yung kilay niya.
"About to shoot?" Sarkastiko niyang sagot.
"Pero bakit?" pinagpapawisan na ako, shet naiihi na ako.
"To kill?" agad ko siyang binitawan at bumalik sa upuan.
"Kung makapatay 'man kami sana ho siya lang ang sisihin niyo, biktima lang ho ako dito. Wala akong kasalanan diyos ko kayo na pong bahala sa akin at sa lalaking katabi ko-- ay!" napatili ako ng biglaan na naman kaming lumiko at nauntog na naman ako. Big time. Paglabas ko dito sa kotse na 'to pustahan may chocolate hills na ako sa ulo.
...kung makakalabas ako dito ng buhay. Bigti na girl.
"Hoy manong! Easyhan mo lang."
"Ang daldal." naiiritang bulong ni Flint.
"Ikaw nga ang baho ng pangalan mo eh." Sobrang hina na sabi ko.
"I f*****g heard you."
"Boss may back up na tayo." ay si koya snobber. Napansin kong walang tao sa mga dinadaanan namin, ngayon pa lang ako nakapunta dito sa lugar na 'to.
"Okay, Miss cover your ears." dumungaw siya at nilabas ang kalahating ng katawan niya.
"Ay!" napapatalon ako sa gulat tuwing naririnig ko siyang bumabaril. "Diyos ko.." bulong ko at mariing tinatakpan ang tenga. Mariin ding nakapikit ang mga mata ko. Wala akong nakikita pero nararamdaman ko ang mabilis ng pagtakbo dahil kanina pa ako umaalog! Nakatakip man ang tenga ko pero walang kwenta yun dahil naririnig ko pa rin yung pagputok ng baril.
Karma na ito pero grabe namang karma ang nararanasan ko, pwede bang killing me softly na lang? Hindi yung isang araw lang burado na ako dito sa mundo.
Tumingin ako sa dinadaanan namin, teka dating bangketa 'to ah. Dito kami dati nagtitinda bakit wala ng kagamitan at tao dito? Napatingin ako sa gawi ni Flint bigla atang lumuwa ang mga mata ko ng makita naninigarilyo siya, at nagawa pa niya 'yan sa kalagitnaan ng sitwasyong to?
Tumigil na ang barilan, hindi ko maiwasang lumingon at tignan yung mga taong sumusunod sa amin. Tumigil na ito at patay na lahat ng nakasakay doon.
Sa nakita kong 'yon.... Nangilabot ako sa takot. Halos lima sila pero isang tao lang ang nagpatumba sa kanilang lahat, bumilis ang t***k ng puso ko. Habang pumapasok sa loob si Flint nanginginig ako sa takot.
Mamamatay tao.
Inunahan ko siya sa pagpasok niya, agad akong lumabas ng kotse.
"Hey!" sigaw niya.
Pinagpapawisan na ako habang tumatakbo, at lumingon ako sa likod ko. Napasinghap ako ng makita kong hinahabol niya ako kaya lalo kong binilisan. Alangan bagalan gusto ko nga tumakas. Lumiko ako at nagpasikot-sikot ng daan dito sa bangketa, kabisado ko 'tong bangketa na ito kaya hindi ako malilito kahit pa sabihing walang laman dito, alam ko na ang mga iskinitang daan dito.
Ngunit sa kasamaang palad ay nahuli niya ako. Napatili ako ng hapitin niya ang bewang ko mula sa likod at pinigilan na ako sa pagtakbo. Tumaas ang balahibo ko, ayaw kong mahawakan ng isang mamamatay tao.
"Bitawan mo ako!" sumisigaw at pagpupumiglas sa hawak niya.
"Calm down Miss." giit niya, nagsimula na akong umiyak.
"Lumayo ka sa akin! Mamamatay tao ka! Mamatay tao ka, ayaw ko sayo! Bitawan mo ako nakakadiri ka! Ah!" Ginawa nga niya ang pinagpipilitan ko. Inalis niya ang braso niya sa paligid ng bewang ko at nawalan ako ng balanse kaya naman nasubsob ako.
Lumingon ako sa kanya, madilim aura ng kanyang mukha, nakakatakot siya. Oh shyet nagalit ko ata siya.
"If I didn't kill them, they will. You really want to get killed don't you?" malamig niyang sabi, hindi siya sumisigaw pero yung tono ng boses niya, napalunok ako at nagdalawang isip sa sinabi niya. Tama nga naman si pogi, kung hindi niya ginawa yun hindi na ako buhay.
"Since you want to get killed..." madilim siyang nakatingin deretso sa mga mata ko, nadako ang mata ko doon sa kamay niyang parang may dinudukot sa likuran.
Huwag mong sabihing...
Papatayin niya rin ako?! Bumilis ang t***k ng puso ko at parang numipis ang hangin dito, hindi ako makahinga. Ang arte arte ko pa kasi, kung hindi sana ako umarte!
"Ah!" nung ilalabas na niya, agad akong pumikit at nagdasal na sana hindi baril ang kinuha niya.
"Boss! Anong ginagawa mo!" may narinig akong grupo ng mga lalaki, oh my gosh nataranta sila. Ibig sabihin niyan papatayin nga niya ako. Pigilan niyo mga boys.
"Ah!" napadilat kaagad ako ng mga mata ng narinig ko siyang malalim na sumigaw, nanlaki ang nga mata ko at napasinghap. Yung bibig ko agad na natakpan ng mga palad ko dahil sa kawindangwindang na sunod na nangyari.
Napatunganga ako at natuod sa kinauupuan. Hiniwa niya yung palad niya at malakas ang agos ng dugo ang lumalabas dito. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.
"Boss!" lalapit sana yung mga tauhan niya ngunit tinaas niya ang kaliwang kamay niya at sumenyas na huwag gumalaw sa kinatatayuan nila. Diretso ang tingin sa akin ni Boss Kick Pepe.
"Maybe this is worthy to prove that I will never hurt you. So come with me." nilahad niya yung kamay niya na hiniwa niya at may tumutulong dugo. Hindi ako sumagot at biglang naalerto, doon lang kasi nagsync in sa kulubot ng utak ko na 'ay may dumudugong fafables'
"Siraulo ka ba?!" agad akong tumayo at kinuha yung kutsilyong malapit sa paanan niya at tinusok yun sa mahaba kong palda at pinunit iyon. Mabilis ko lahat iyon ginawa at nilagay yun sa hiwa niya. Hindi ako tumingin sa mata niya at nagfofocus sa pagbenda ng sugat niya.
"Pwede kang mamatay kapag naubusan ka ng dugo! Baliw ka ba mababawasan pa ang po-- okay huwag na lang." buti na lang napigilan ko sarili ko kundi masasabi ko sana na pogi sa mundo. Tinali ko na yung benda sa likod ng kamay niya at pagkatapos tumingin ako sa kanya, pinunasan ko yung mga luha ko.
Nawirduhan ako sa kanya dahil hindi ko mabasa yung mga mata niya pero nakatingin lang siya sa akin na parang may gustong sabihin pero ... Hay hindi ko alam ang ibig sabihin ng tingin niya. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita, ako naman nakatingala sa kanya. Napalunok ako at nagiwas ng tingin. ang weird na.
"Gusto ko na sanang umuwi." bulong ko at bumalik ang mata ko sa kanya, wala paring reaksyon ang mukha niya.
Aba natameme.
"Ang sabi ko gusto ko ng umuwi pwede ho ba?" medyo nagflinch siya at bumalik naman siya sa kanyang sarili.
"My boys will accompany yoy back home." tumalikod siya at nagsimulang maglakad papalayo. "I need to leave." Hindi ko alam kung sa akin ba niya sinasabi iyan o sa mga tauhan niya.
Hindi ako gumalaw doon, iiwan niya ako? Eh sabi niya kanina come with me.
May binulong siya sa isa niyang tauhan at tumango naman ito habang nakatingin sa akin. Unti unting lumapit sa akin yung tauhan niya.
"Ako na po ang maghahatid sa inyo." binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Tumango na lang ako.
Parang may natapakan ako, umatras ako ng kaunti para makita yun. Yung kutsilyo na ginamit ni Flint kanina. Kinuha ko ito.
"Sa boss niyo." inabot ko sa kanya pero umiling lang siya.
"Hindi po yan sa kanya, walang ganyan si boss dahil pang tauhan lang yan." diretsong sabi niya, bumalik ang tingin ko sa medyo may dugo pa na kutsilyo.
Kay papa 'to.