Sa loob ng malawak na opisina ni Don Brixton ay ramdam ang mabigat na tensyon. Halos walang sinuman ang naglalakas-loob na magsalita sa harapan ng lalaki. Nakatayo si Brixton sa harap ng malaking bintana habang nakatanaw sa lungsod. Mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao. "Don Brixton…" maingat na tawag ni Marco mula sa likuran niya. Hindi siya nilingon ni Brixton. "Yes?" malamig nitong sagot. Huminga nang malalim si Marco bago nagsalita. "May balita po mula sa port authority. Patuloy po nilang sinusuri ang mga barko at domestic flights… pero hanggang ngayon wala pa rin pong bakas ni Ma'am Karah." Wika ni Marco. Mariing napatiim-bagang si Brixton. At humarap kay Marco. "Damn it…" Ilang araw na ang lumipas ngunit para bang naglaho na lamang si Karah sa mundo. Dagdag pa sa

