bc

MY DANGEROUS NINONG MAFIA BOSS

book_age18+
123
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
mafia
like
intro-logo
Blurb

Akala ni Karah Isabelle Santillan ay nawala na ang lahat sa kanya noong gabing pinaslang ang kanyang mga magulang ng mga taong hindi alam ang layunin. Noong siya ay labinlimang taong gulang pa lamang, kinuha siya ni Don Brixton Valerioso – isang mapanganib na Mafia Boss na nangako na alagaan siya bilang sariling anak. Ngayong labingwalong taong gulang na at lumalabas na isang magandang dalaga, iniisip ni Karah na ligtas siya sa ilalim ng pangangalaga ng kanyang Ninong… "You've truly grown up, baby. You look absolutely beautiful tonight my baby."  Si Don Brixton Valerioso ang pinakatakot na Mafia Boss sa Imperyong Valerioso, mahigpit at walang awa sa sinumang makasagabal sa kanya – maliban kay Karah. Inampon siya matapos ang brutal na pagpatay sa mga magulang nito, at inalagaan bilang sariling anak. Ngunit habang siya ay lumalaki at nagiging maganda, ang mga hangganan ay nalilito na – pagitan ng pagiging tagapag-alaga at pagnanasa…

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE Noong gabing pinaslang ang kanyang mga magulang ng mga taong hindi pa alam ang motibo, akala ni Karah Isabelle Santillan ay nawala na ang lahat sa kanya. Labintatlong taong gulang pa lamang siya noon nang kunin siya ni Don Brixton Valerioso – isang mapanganib na Mafia Boss na nangako na alagaan siya bilang sariling anak. Ngayong maglabingwalong taong gulang na siya at naging isang magandang dalaga, iniisip ni Karah na ligtas siya sa ilalim ng pangangalaga ng kanyang Ninong. Si Don Brixton ang pinakakatatakutan na pinuno ng Imperyong Valerioso – mahigpit at walang awa sa sinumang makasagabal sa kanya, maliban na lamang kay Karah. Matapos ang brutal na pagpatay sa mga magulang ni Karah, inampon siya at inalagaan ng parang tunay na anak ng kanyang Ninong. Ngunit habang siya ay lumaki at lalong nagiging kaakit-akit, unti-unting naramdaman ni Karah ang kakaibang kilos na ipinakita sa kanya ni Ninong Brix... Ang bilis ng panahon, limang taon na ang lumipas at bukas na ang kanyang 18th Birthday na pinaghandaan talaga ng kanyang Ninong Brix. Kararating lang niya ng tanghaling iyon mula mag shopping kasama ang kanyang body guard na kahit ayaw niya ay gusto talaga ng Ninong niya na may bodyguard siya. Pagdating niya ay tinanong niya agad ang isa sa tauhan ng kanyang Ninong na nasalubong niya kung nasaan ito. "Ahh, Kuya Marco, nasaan po si Ninong? Wala kasi sa kwarto niya." Tanong ni Karah. "Nasa Valerioso Library, Ma'am," Sagot ng isang tauhang lalaki ng kanyang Ninong na si Marco. Na siyang tinatawag na Marco "The Blade" Dela cruz– ang right-hand man ng kanyang Ninong Brix na kilala sa mabilis at tumpak na pagkilos, nagbabantay sa seguridad ng organisasyon at nangangasiwa sa mga operasyon sa lupa. "Ahhh, okay po, thank you kuya Marco." Sabi niya rito at ngumiti. Ang Valerioso library ay isang malawak at tahimik na silid na puno ng mga aklat, mga dokumento ng clan, at mga antigong gamit mula sa Italya. Bagama't para sa pagbabasa at pag-aaral, ginagamit din ito ni Don Brixton para kausapin ang mga pinagkakatiwalaang tauhan. Nagmamadali namang nagtungo si Karah sa Valerioso Library at pagdating niya sa pinto ay kakatok na sana siya nang may narinig siyang mga ungol mula sa loob. At narinig niya ang tinig ng isang babae. Kinabahan pa siya at naging curious kung ano ang nangyari sa loob ng library, kaya di niya napigilang mahinang buksan ang pintuan at sinilip—buti nalang at di pala naka lock. Laging gulat naman niya nang makita ang eksena sa loob—ang kanyang Ninong Brix at si Miss Fiona Reyes – Ang tagapayo at financial advisor ni Brix na may hawak sa lahat ng transaksyon at estratehiya ng negosyo, walang isang detalye ang kanyang binabalewala. Matagal na siyang naglilingkod sa Valerioso clan. Isang malaswang eksena ang kanyang nakikita na sa buong buhay niya ay ngayon pa niya nakita! Namula si Karah at umatras na pinagpawisan. At mabilis na siyang nagtatakbo palayo sa Valerioso library. Ang pangit ng eksena, ang laswa. Para siyang pinanginigan sa kanyang nakita! May lihim na relasyon pala ang kanyang Ninong at ang financial advisory nito na si Miss Fiona Reyes? Hindi na nagtangka pang kausapin ni Karah ang kanyang Ninong Brix dahil pati siya ay naging masama at madumi na ang kanyang iniisip sa kanyang nakita kanina. Kinabukasan ay debut na ni Karah Isabelle, naging ganap na siyang dalaga sa kanyang 18th birthday ng araw na iyon. "Handa na ba kayo, iha?" Tanong ni aling Marta sa alaga niyang naging ganap ng dalaga sa araw na iyon. Ngumiti si Karah sa salamin habang hinihimas ni Aling Marta ang huling bahagi ng kanyang buhok na inayos nang maayos. Bumungad sa kanya ang mukha ng isang dalagang puno ng kagandahan – ang mga mata niyang dating puno ng luha ay ngayon ay may lakas ng loob, habang ang kanyang tangos na ilong at mala-perlas na balat ay nagbibigay-diin sa kanyang kakaibang ganda na parang binibigyang-diin pa ng liwanag ng buwan. Ngayong araw ay ipagdiriwang niya ang kanyang ika 18th birthday sa Grand Valerioso Palace. Ang buong lugar ay inayos nang napakaganda – puno ng mga bulaklak na kanyang paboritong rosas, mga ilaw na kumikislap, at ang mga tauhan ng clan na naghahanda para sa isang malaking handaan. "Kailangan na nating bumaba, hinihintay ka na ng lahat – lalo na si Don Brixton." Sabi ni Aling Marta sa kanya. Muling tumingin si Karah sa sarili sa salamin, hawak ang dulo ng kanyang puting damit na gawa sa pinakamahalagang tela. Sa limang taon na kasama niya si Ninong Brix, natutunan niya ang maraming bagay – mula sa pagpapatakbo ng mga negosyo hanggang sa pagiging matatag sa gitna ng kahirapan. Ngunit sa lahat ng iyon, hindi niya inakala na darating ang araw na makikita niya ang sarili bilang isang ganap na babae. Nang pumasok sila sa malaking silid ng pagdiriwang, ang lahat ay tumikhim. Ang mga bisita ay napatingin sa kanya na puno ng paghanga – ngunit ang tingin na pinaka-napapansin niya ay ang mula sa kanyang Ninong Brix, na nakatayo sa dulo ng malawak na hagdan. Si Don Brixton Valerioso ay tila hindi makapaniwalang nakatingin ngayon sa kanya – ang batang babae na dati niyang inalalayan at pinoprotektahan ay ngayon ay isang dalagang napakaganda, na parang isang mahalagang hiyas na unti-unting lumalabas sa kanyang kagandahan. Mula sa kanyang mga mata ay makikita ang pagmamahal ng isang tunay na ama, kasama ng pagkamangha sa kung gaano karaming ganda ang lumabas sa batang babae na itinuturing na niyang sariling anak. "You've truly grown up, baby." bulong ni Don Brixton nang makalapit na si Karah rito, habang ang mga mata nito ay hindi umaalis sa magandang mukha ng dalaga. "You look absolutely beautiful tonight my baby." Dagdag pa nito sa kanya na kahit nakangiti ay makikita parin ang katapangan sa mukha ng kanyang Ninong na siyang kinatatakutan ng halos lahat lalo na sa mga kalaban nito sa negosyo. Namula si Karah ng bahagya, ngunit may ngiti sa labi habang nakatingin sa kanyang Ninong – ang lalaking naging tahanan at lakas ng loob niya mula noong mawala ang kanyang mga magulang. Ngayong araw ay hindi lamang siya nagdadalaga – ito rin ang araw na gusto niyang sisimulang malaman ang mga lihim ng Imperyong Valerioso. Ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay di niya makalimutan ang eksena kahapon kasama nito ang financial advisory nito. Sobrang gwapo din kasi ng Ninong niya at hindi maipagtatakang magkagusto rito ang financial advisor nito o kahit sinong babae. Ilang beses na niyang narinig mula pa noon na may mga babae din ang Ninong niya, at hindi na ito seryoso sa isang relasyon simula nang mabigo ito sa unang babaeng minahal nito. Masaya ang buong handaan – maraming bisita ang kanyang inimbita, kadalasan ay mga kaklase kabilang ang ilang binatang kaibigan niya. Sa gitna ng party ay lagi niyang napapansin ang mga titig ng kanyang Ninong Brixton sa kanya habang ito ay kausap at kainuman ang mga tauhan. Pagkatapos ng party ay nagsiuwian na ang mga bisita. Kaya nais na rin ni Karah na magpahinga. Napansin niya rin na wala na ang kanyang Ninong at ang ibang mga tauhan nito at kunti nalang ang mga tauhan doon. Nagpasya na rin si Karah na magpahinga kaya pumasok na siya sa loob. Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang may biglang magsalita sa kanyang likuran. "Before you go to rest, let me greet you privately first, baby." Nakangiting sabi ng kanyang Ninong sa kanya. Nabigla pa si Karah at napalingon sa kanyang Ninong. Di maintindihan ni Karah ang naramdaman—parang may kakaibang kilos ngayon ang kanyang Ninong Brix habang nakatitig sa kanya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
112.0K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.7K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
47.6K
bc

SECRET AGREEMENT WITH MY HOT BOSS (SSPG)

read
7.8K
bc

YAYA SEÑORITA

read
13.8K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
8.4K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
106.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook