CHAPTER 40

1510 Words

Kinabukasan ay maagang nagising si Manang Martha sa loob ng ospital. Bahagyang pumapasok sa loob ng silid ang malambot na liwanag ng umaga mula sa bintana. Tahimik pa ang buong palapag at maririnig lamang ang mahihinang tunog ng mga kagamitan sa nurse station sa labas ng corridor. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa maliit na sofa na kanyang hinigaan buong gabi. Kahit masakit ang kanyang likod dahil sa hindi komportableng pahinga ay agad niyang sinilip si Karah na mahimbing pa ring natutulog sa kama. Tahimik siyang napabuntong-hininga. Maputla pa rin ang mukha ng dalaga at halatang pagod ang katawan nito. Kahit sa kanyang pagtulog ay bakas pa rin ang lungkot sa kanyang anyo. Marahang lumapit si Manang Martha sa gilid ng kama at maingat na inayos ang kumot na nakatakip sa katawan ni Kar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD