Lumipas ang ilang araw. Nanatili parin si Karah sa lihim na bahay ni Luis Tan Montealto. Pinalipas muna niya ang sarili doon at saka na siya muling kikilos. Pinag-iisipan muna at pinagluksa ang narinig na pag propose ng kasal ni Don Brixton sa dati nitong kasintahan na ngayon ay muling naging sila na nang siya'y umalis. Tahimik ang lugar—malayo sa lungsod at halos walang ibang bahay sa paligid na siyang nagustuhan niya. Para bang isang mundong hiwalay sa lahat ng ingay at gulo ng labas. Sa mga araw na iyon ay bihira siyang lumabas ng kanyang silid. Kadalasan ay nakaupo lamang siya sa harap ng bintana o naglalakad sa maliit na hardin sa likod ng bahay. Unti-unti niyang pilit na inaayos ang sarili. Samantala— sa kabilang banda ay abala si Luis sa kanyang sariling mga gawain. Sa loob

