Parang kumulo ang dugo ni Karah na marinig ang pagtawag ng baby nito sa kanya. "Don’t call me that!" galit niyang sagot. Lalong lumalim ang ngiti ni Brixton. "Seven months…" mahina nitong sabi. "Seven months kang nawala." Bahagya nitong ikiniling ang ulo habang pinagmamasdan ang baril na nakatutok sa kanya. "So this is how you welcome me after all this time, baby?" tanong pa ni Brixton. Mahigpit na pumikit si Karah sandali. Sa isip niya ay bumalik ang alaala ng dugo sa sahig… ang katawan ng kanyang mga magulang… ang gabing nagpabago sa buong buhay niya. Pagmulat niya ng mga mata ay mas malamig na ang tingin niya. "Isa pang hakbang…" mahina ngunit mariing babala ni Karah. "Babarilin na kita, Ninong Brix!" Tahimik ang buong sala. Walang gumalaw. Maging ang anim na Guardians

