Nakarating si Karah sa cafe malapit sa parke ng maaga pa. Agad siyang sinalubong ng yakap ni Chloe na masayang-masaya. "Besh! Akala ko hindi ka na makakapunta!" Sabi ni Chloe habang inilalagay ang kanyang bag sa upuan. "Syempre naman, miss na kita eh. At kailangan ko talagang makausap ka," sagot ni Karah habang ngumingiti, kahit na ramdam pa rin ang bigat sa kanyang dibdib. Umorder sila ng juice at cake, at masayang nagkuwentuhan tungkol sa pagbabakasyon ni Chloe sa Singapore. Nakikinig lang ang bodyguard ni Karah sa malayong upuan, laging alerto sa paligid. "Nakita ko talaga ang mga litrato ng party mo kagabi – super ganda mo dun! Sobrang daming tao, hindi ko akalain na ganun kalaki ang handog ng Ninong mo para sa'yo," sabi ni Chloe habang kumakain ng cake. "Basta siya na lang ang na

