Mas lalo pang naging maalaga si Don Brixton kay Karah matapos niyang malaman ang tungkol sa pagbubuntis nito. Halos hindi niya ito iniiwan kahit sandali. Araw-araw niyang sinisiguradong kumakain nang maayos ang dalaga, umiinom ng vitamins, at nagpapahinga nang sapat. Ganoon sa kanya kahalaga ang anak na ipinagbubuntis ni Karah. Minsan pa nga ay siya mismo ang naghahanda ng pagkain para rito, bagay na labis na ikinagugulat ng mga kasambahay sa Valerioso Palace. Hindi maitago ni Brixton ang labis na kasiyahan sa kanyang mga mata. Magiging ama na siya. At para kay Brixton, iyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na mangyayari sa kanyang buhay. Dahil dito ay nagpasya siyang magdaos ng isang malaking pagtitipon sa Valerioso Palace na ipinangako na niya kay Karah noong di pa siya nakapunt

