ISANG matamis na halik sa labi ang nagpagising kay Gianna. Pagmulat niya ng mata ay ang nakangiting si Dominic ang bumungad sa kanya. Bagong paligo na ito at hubad baro pa ito. Napalunok siya. Isang linggo ng ganito ang bumubungad sa kanya pero sa tuwina ay nagugulat at nahihiya pa rin siya. Magkatabi na silang matulog nito. Matapos ang kaganapan isang linggo na ang nakakaraan ay nag-iba rin ang turingan nila sa isa't-isa. They were like husband and wife minus the s*x part. Napagkasunduan nilang they will do it only kapag fertile si Gianna. Hindi na niya matandaan kung paanong naging ganito ang sitwasyon nila. She just woke up that everything was set without her or him noticing it. Basta ganito nalang. Gigisingin siya ni Dominic ng isang matamis na halik sa labi. Kakain sila ng

