Nagbibihis si Gianna nang magring ang kanyang telepono. Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang makita ang pangalan ni Dominic na siyang tumatawag sa kanya. Ilang araw na hindi ito nagparamdam sa kanya. Napaisip tuloy siya na baka dahil iyon sa nangyari noong gabi sa bahay niya. Na-disappoint niya ba ito dahil tumanggi siya sa gusto nito? Pero hindi ba tama lang na tumanggi siya? Tama lang na hindi muna mangyari ang bagay na iyon. "Hello," sagot niya. "Magkita tayo ngayon," anito sa kaswal na tono. Parang may nag-iba rito. "Bakit? May pasok ako. Pweding mamaya na lang?" "Nakausap ko na manager mo." Napairap siya sa sagot nito. Lagi na lang siyang pinangungunahan nito. "Pupunta tayong hospital." "Huh? Bakit?" aligagang balik niya rito. Hindi maiwasan ang kabahan. "Basta." "Bakit ng

