HINDI maintindihan ni Dominic ang sarili. Hanggang ngayon kasi ay inuusig pa rin siya ng kanyang konsensya sa mga sinabi niya kay Gianna ilang oras pa lang ang nakalilipas. Ang mukha pa rin nito ang umuukilkil sa kanyang isipan. Ang mga mata nitong naluluha dahil sa masasakit na kanyang nasabi. Hindi naman niya sinasadya iyon. At mas lalong hindi niya alam kung bakit niya nasabi ang mga iyton.
Umisang lagok uli siya ng alak. "Pre, anong meron at nagyaya ka ng inuman?" tanong ni Lawrence, ang sikat na artistang kaibigan niya.
"Problemang puso?" pang-aalaska naman ni Hideo, ang abogado sa kanila.
"Wow! Himala? May puso ka na pala?" dagdag ni Rafael, ang kapwa business tycoon niya.
Sinamaan niya lang nang tingin ang mga ito. Mabuti palang hindi na niya tinawag ang mga ito dahil wala naman siyang mapapala.
Tumayo siya.
"Oh, sa'n ka pupunta?" tanong ni Art, ang arkitektong kaibigan niya.
"Wala akong mapapala sa inyo," sagot niya.
"Mayroon akong alam pero hindi ko sasabihin," pakantang saad ni Hideo. Ito kasi ang gumawa ng kontrata nila ni Gianna. Alam nito ang mga plano niya.
Tinignan niya muna ito ng masama bago umalis at iwan ang mga ito.
NAIINIS na bumangon si Gianna sa kanyang kama nang marinig ang mga katok mula sa pinto ng sala. Bago tuluyang makalabas ng kwarto ay sinipat niya muna ang orasan. Pasado alas-dose na. Sino naman ang kakatok ng ganitong oras?
Dahan-dahan siyang lumapit sa may pinto. Patuloy pa rin sa pagkatok ang kung sino man. Nagdadalawang isip siya kung bubuksan ang pinto o hindi. Baka kasi magnanakaw ito. Pero wala namang magnanakaw ang kumakatok sa bahay nang nanakawan nito. Kaya nagdesisyon siyang buksan na lang ito.
Isang pamilyar na panlalaking amoy ang agad na bumungad sa kanya pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Hindi siya pweding magkamali. Iisang lalaki lang ang alam niya ang may pabangong ganoon.
"Anong ginagawa mo rito?" bungad niya rito.
Subalit ang lalaki sa kanyang harapan ay tila napako sa kinatatayuan nito. Nakita niya pa kung paanong hagurin siya nito mula ulo hanggang paa kasabay ng sunod-sunod na paglunok nito.
Doon niya lang napagtanto ang kanyang suot. Isang manipis na sando at wala siyang panloob na bra na tinernuhan pa ng napaka-ikling shorts na kita ang bibilugin at makikinis niyang mga hita.
Sa puntong iyon ay namula siya. Hiya at inis ang namumutawi sa kanya.
"Kung wala kang kailangan. Makakaalis ka na," aniya kay Dominic.
Akmang isasara na niya ang pinto nang pigilan siya nito. "Sandali," anito na hindi pa rin nawawala ang tingin sa mahubog niyang katawan.
"Ano nga ang kailangan mo at nambubulabog ka nang ganitong oras?"
Pinagsiklop niya ang mga kamay sa harap ng dibdib upang matakpan ang mga ito. Ngayon lang din niya napansin na namumula si Dominic. "Lasing ka?"
"Hindi. Nakainom lang."
"Ganoon din iyon."
"Okay," walang-buhay na sagot nito
"So, ano na? Gabing-gabi na. Pweding bukas mo na lang ako bwisitin?"
Napayuko ito. "I'm here to apologize. Hindi ko dapat sinabi ang mga iyon."
Napairap siya. Pwedi namang ipagpabukas na lang nito ang bagay na ito. "Okay, sige na. Umuwi ka na at magpahinga."
Aminin niya man o hindi ay masama pa rin ang loob niya sa binata. Sa kagustuhang umalis na ito ay nagkunwari siyang hindi na apektado.
"Pinapatawad mo na ako?"
"Oo. Kaya kung pwedi bang umalis ka na? Gabi na kasi, eh," aniya sa mababang tinig. Ayaw niyang maging bastos rito lalo pa't naparito ito upang humingi ng paumanhin.
Tumalikod na ito at nagulat na lang siya ng muling humarap ito at hablutin siya nito sa kanyang braso. Hinalikan siya ni Dominic. Noong una ay tila hindi nagsisink-in sa kanya ang ginagawa nito. Hanggang sa makapasok na sa loob ng bahay niya si Dominic na patuloy pa rin ang paghalik sa kanya.
Naging mariin ang paghalik nito. Siya naman ay waring nawala sa wisyo at kusang bumukas ang bibig upang bigyan daan ang dila nitong kumakatok sa kanya.
Isunukbit niya ang kanyang mga kamay sa batok ni Dominic upang mabalanse ang sarili. Sa ginawa niyang pagtugon sa halik nito ay tila isang posporong nasindihan si Dominic dahil mas lumalim ang mga halik nito sa kanya.
Maging siya man ay nakaramdam ng ibayong init na noon niya lang naramdaman.
Nasa gitna sila ng sala at tila walang pakielam kung may mababangga man silang kagamitan doon. Ang mahalaga sa kanilang dalawa ng mg oras na iyon ay ang pagtugon na binibigay nila sa isa't-isa.
Naramdaman niya ang paglakbay ng mga kamay ni Dominic sa kanyang likuran. Siya naman ay mas lalo niyang pinagdiinan ang batok nito.
Napasinghap pa siya ng mahina nang tumama ang makinis niyang likuran sa malamig na pader. Tanda lang na naabot nila ang hangganan ng sala ng bahay niya.
Napakasarap ng halik at mga labi ni Dominic. Tila hindi siya magsasawa rito pero ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya nang maramdaman ang mga kamay nito na humihimas sa kanyang dibdib at ang isa naman ay nasa pagitan na ng kanyang mga hita. Tial may pilit hinahanap.
Ang apoy na unti-unti nang nag-aalab ay biglang namatay. Doon ay nagising siya sa makamundong hatid ni Dominic sa kanya. Hindi pa siya handa roon kaya naman marahas niya itong tinulak na siyang kinagulat nito.
"What?" iritadong tanong ni Dominc.
"Umalis ka na," aniyang habol pa rin ang kanyang hininga.
"Arhgg!! Akala ko ba okay na? Ayaw mo ba?" Disappointment crossed on his face
Nagi-guilty siya pero hindi pa dapat mangyari ang bagay na iyon. Baka sa huli ay matalo siya.
"Dominic, please, umalis ka na," aniyang naluluha na.
Naging malamlam naman ang mga mata nito nang marinig ang mahinang hiling niya. "I'm sorry if I lost my control," anito. Kinulong siya nito sa kanyang mga bisig. Doon ay hindi na niya napigilan ang mapahikbi. "I'm so sorry. Please don't cry," pag-aalo pa rin nito. Hinagod pa nito ang kanyang likuran.
Ramdam niya ang sinseridad sa boses nito. Doon ay medyo kumalma na siya. Muntikan ng may mangyari sa kanila. Paano na lang kung natuloy iyon?
NANG makatulog na si Gianna ay agad nang lumabas si Dominic sa bahay nito. Naalala na naman niya ang nangyaring halikan kanina na muntikan nang mapunta sa kung saan. Inaamin niyang nawalan siya ng kontrol sa sarili nang makita ito. Isa pang hindi niya maintindihan sa sarili, lagi ay tila may nag-uudyok sa kanyang hagkan ang mga labi ni Gianna tuwing makikita niya ito.
Winaswas niya ang ulo. Masyado na ata siyang na-a-attached to the point na nagugulumihan siya tuwing nagtatagpo ang kanilang mga mata.
Pero possible ba iyon? He's heartless. He doesn't care about other's feeling. Pero bakit pagdating kay Gianna ay kakaiba?
Huminga siya nang malalim. Mas maganda siguro kung maglalagay na siya ng pader sa pagitan nila. Hindi dapat mahaluan ng kung ano man ang proposal niya kay Gianna. Bibigyan siya nito ng anak at babayaran niya ito ng sampung milyon. Pagkatapos noon ay maghihiwalay na sila. Tapos!
Iyon lang ang dapat mangyari. Kaya sa susunod na magtatagpo sila ay magiging casual na lang ang pakikitungo niya rito. Just like how he deals to his business clients.
Business lang.