NAKATITIG nang mataman kay Gianna si Dominic. Hindi siguro inaasahan nito na itatanong niya ang tungkol kay Fyerah. Nagulat na lang siya ng bigla siya nitong yakapin at pagkatapos ay hinalikan nang mariin sa labi. Kita niya ang pagkislap ng mga mata nito na siya namang pinagtaka niya. "She's a good friend to me. I love her. But only as a friend. Nothing more, nothing less." Sinapo nito ang kanyang mukha gamit ang dalawang palad nito. "Paano mo ba nalaman ang tungkol sa kanya?" tanong nito na nanunudyo. "N-na nakita ko iyong post niya sa i********:. Iyong may capt----" She rolled her eyes as she heard him chuckle. Hindi na rin niya naituloy ang sasabihin niya. "Don't worry pinadelete ko na iyon. 'Tsaka wala ka naman dapat na ipagselos, eh. In a few months, I'll be officially yours. At hi

