NAGISING si Gianna ng may maramdaman siyang humahaplos sa kanyang pisngi. Nang imulat niya ang mata ay ang nakangiting mukha ni Dominic ang bumungad sa kanya. Hinalikan siya nito sa labi. "Hey! Mukhang napagod ka sa pagbabantay sa dalawa, ah?" tanong nito. Ang totoo ay kakatulog palang niya. Kanina pa kasi iyak nang iyak ang mga anak niya. Kaya naman nang makatulog ang mga ito ay hindi na rin niya napigilan ang antok. Hindi na nga siya nakapagtanghalian. "Hindi naman masyado." Umayos siya ng upo. Mukhang kakarating lang ni Dominic dahil naka-longsleeves pa ito. Bahagyang bukas lang ang ilang butones ng suot nito. Nagulat na lang siya ng magmura ito. "What was that?" Hinaplos nito ang pisngi niya. Bahagya siyang napangiwi nang makaramdam ng kirot sa bahaging hinaplos nito. "Sa'n nangga

