Parang naging blur lang sa'kin ang buong byahe. Ukupado ang utak ko pero dahil sa rami ng mga iniisip ko ay tunganga lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Walang kayang iproseso ang pagod kong utak. Wala naman akong nakikita sa labas dahil madilim na pero nanatili akong nakipagtitigan sa kadiliman. Gano'n na gano'n ngayon ang nangyayari sa mundo ko, biglang dumilim. Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang paglapag nang sinasakyan naming helicopter. Disoriented pa akong napatingkn sa katabi kong si Marco. Siya na nga nag nagtanggal ng nilagay niyang headset sa'kin kanina. Napakurap-kurap ako nang may pinatong siyang jacket sa balikat ko. Parang tuksong bumalik sa alaala ko ang huling pagkakataong may gumawa nito sa'kin. Abot-abot ang pagpipigil ko na huwag pumiksi

