Pagkaalis ni Marco ay agad kong bibalingan si Xolani upang komprontahin sana siya sa inasal niya kanina sa harapan ng lalaki. Pero napatigil ako dahil wala sa'kin ang atensiyon nito kundi ay naroon sa pintuang nilabasan ng lalaki. "Anong meron?" putol ko sa tila pagkahulog niya sa malalim na iniisip. Mula sa tinitingnang direksiyon ay seryoso siyang bumaling sa'kin. Tinaasan mo siya ng kilay habang hinihintay ang sasabihin niya. "Hindi mo ba napapansin na parang nakakaduda naman yata ang sobrang kabaitan ni Marco?" seryoso niyang tanong sa'kin. Kumunot ang noo kong binalikan ang mga kinikilos ni Marco. Wala naman akong nakikitang mali roon. "Dati na naman siyang ganyan makitungo sa'tin kahit na noong nasa isla pa tayo," tugon ko. Ako pa nga ang nakaabala roon sa tao kaya medyo nakaka

