Ilang sandali pa muna kami nanatili ni Yudz sa pinagtataguan naming silid bago kami nagpasyang lumabas. Kanina pa nakaalis ang mga nag-uusap na pinagtatawanan namin, sadyang mas ginusto naming masolo ang isa't isa sa loob ng karugtong na silid. Wala naman kaming ibang ginawa roon kundi ang maglandian. Kung dati ay nag-aasaran kami at naglalaitan ay iba ma ngayon, naglalampungan na kami at nag-uungulan. Pasimple kaming pumuslit palabas ng music room nang masiguro naming walang ibang tao sa hallway. Medyo nanginginig pa iyong mga binti ko dahil sa ginawa namin at bawat hakbang ko ay pinapaalala sa'kin iyon. Hanggang ngayon ay parang nakabaon pa rin siya sa'kin. Ganito talaga siguro 'pag nasobrahan na sa gawaing iyon. Pakiramdam ko ay buong araw na naming ginagawa ang bagay na iyon. Pero

