chapter 51

1582 Words

"Ano ba ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga," pahinamad kong sabi kay Nica. Kunwari ay napililitan lang akong kausapin siya. "Hindi ito ang tamang lugar para mag-usap tayo," sagot ni Nica. Aburido akong napatitig sa mukha niya bago sumulyap sa natutulog kong mga pinsan sa loob ng silid. "Wala akong oras makipag-tsismisan sa'yo kaya pwede ba—" "Jazriel Salvador," bigla niyang putol sa pagsasalita ko. "Kilala mo ba siya?" tanong niya sa'kin. Kahit mahina lang iyong pagkakabanggit niya sa pangalan ni Jazriel ay para akong mabingi sa lakas nang dating niyon sa'kin. Pilit ko pa ring pinanatili ang nonchalant na reaksiyon sa sinabi niya. Ayokong iparamdam sa kaharap na may upper hand na siya dahil kilala niya si Jazriel. "Hindi mo siguro siya kilala, 'di ba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD