Cheater Hindi ko alam kung pang-ilang beses na akong naghikab. Inumaga na naman kasi kami ni Jiro sa pag eskype. I told myself not to get too close to him but I'm stubborn as f**k. No. My system is stubborn as f**k. Ayaw kong malapit na nang todo kay Jiro pero yung kampon ko sa loob itong malalandi at gustong gusto na nakikipag-usap kay Jiro. Kahit saan nalang lumilipad ang usapan na 'yon hanggang namamalayan ko nalang na umaga na pala. His effect on me. Nawawala parin talaga ako sa sarili ko at nawawalan ng pakialam na kahit kaantukan ko ay kayang kaya kong labanan. "Babe, napapansin ko these past few days you look really tired. Hindi naman kita pinapagod ah. At lalong wala naman akong ginagawa sayo tuwing gabi. Ang aga mo na ngang nagpapaalam sakin na matutulog kana kahit na gusto ko

