Dream on Sky Tumambad sakin ang mga mukha ng anim. Iginala ko ang tingin ko pero hindi ko mahanap ang gustong gustong makita ng mga mata ko kaya naibusangot ko ang mukha ko. Where's Jiro? Galit ba siya sakin kaya ayaw niya akong makita? Naglipstick pa naman ako para lang sa kanya! Ang ganda ko na oh! Tss. "Ayan na! Sky! Ba't mo kami iniwan!" Pinagbabatukan agad nilang lahat si Harel. Ako naman ay naigulong nalang ang mga mata ko. Yung mga hitsura lang nila ang nagbago pero sila parin ang mga kababata kong siraulo at walang katinuan sa sistema. Siguro may 10 percent lang. "Ba't nakabusangot yung mukha mo Sky?" puna ni Jame Brancen sa mukha ko. He's not chubby anymore! Wala na siyang bilbil na pati yung dalawang pisngi niya ay hindi na bloated. Pumayat na talaga siya kaya dumidipina

