Apat na araw na ang nakalipas magmula nang mangyari ang ginawang panghaharas sa akin ni JD. Simula rin ng araw iyon, hindi ko pa ulit siya nakikita hanggang ngayon. Hindi pa kami nagtatagpo dahil hindi na siya pumupunta dito sa bahay na kagaya dati na halos ayaw na niyang umuwi sa kanila. Samantalang lagi pa rin naman nag-iinom sila Kuya dito at ang iba pa. Katulad na lang ngayon. Kanina pa sila nag-iinom at kanina pa ako pasilip-silip sa kanila pero hindi pa rin siya dumating. Halos lasing na nga sila pero katulad ng mga naunang araw ay baka hindi rin siya pupunta. Tanging siya na lang ang kulang sa grupo kaya hindi ko maiwasan na isipin na baka na-guilty siguro siya sa ginawa niya sa akin kaya nahiya ng pumarito. Marunong din pala siyang mahiya sa ginagawa niyang kabaliwan. Hindi ko

