Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng court ay dumating ang ilang kababaihan at agad akong sumimangot nang makita ko ang babaeng kasa-kasama ni JD sa club na dinala rin niya sa bahay namin kanina. Mas tumindi pa ang inis ko nang makita ko kung gaano kaigsi ang mga suot nila na nahiya pa yatang mag-two piece na lang. Parang gusto ko ng umuwi dahil mukhang mababadtrip lang naman ako dito pero nahihiya akong iwan si Yanah. Nangako pa naman ako sa kanya kanina tapos uuwi ako at iwan siya? Ang sama ko naman kung gano'n. Haynaku! Kaya ko naman sigurong hindi mainis. Siguro pipilitin ko na lang na hindi maglanding ang mga mata ko kay JD at sa babae niya para iwas moody. Kahit hindi sure pero pipilitin ko para hindi rin ako mabwesit. "Are you okay?" biglang tanong ni Cedric kaya napatingin ak

