"ZARREAH! Come here, huwag matigas ang ulo," nandidilat kong tawag sa 3 years old pero sobrang kulit kong alaga. " Love you M'mie," pa-cute nitong sabi sa'kin. Napabuntunghininga na lang ako at napakamot ng kilay. Isang pa-cute lang ng batang ito ay agad kong nakakalimutan ang kalokohang pinaggagawa niya. "Reah, next time huwag mo nang sulatan ang mga papers sa office ni Daddy , okay?" mahinahon kong sabi sa kanya. " Sorry..," nakanguso nitong sabi. Biglang sagot ay masuyo ko na lang siyang niyakap. She's my little angel. Siya ang dahilan kung bakit madali akong nakabangon mula sa dating kinalugmukan kong sitwasyon. Five years ago, no'ng dumating ako rito sa bahay ng Tita ko at ng asawa niyang si Uncle Mike ay lugmok na lugmok ako. Pinagpasalamat ko na lang at nagkaroon ako ng

