Ilang traffic rules ba ang nilabag ko upang madaling marating ang kinaroroonan ni Leigh? Di ko na mabilang at di na ako magulat kung pagdating ko ng hospital ay sasalubungin ako ng traffic tickets. "Ms. nasaan po dito iyong room ni Leigh, Leigh Ryan Enriquez?" tanong ko sa receptionist pagdating na pagdating ko. " Room 132 po—" Di ko na nagawang magpasalamat pa dahil mabilis akong tumakbo upang hanapin ang room ng asawa ko. Room 132. Habol ang hiningang narating ko ito. Akmang papasok na ako nang mapansin kong bahagyang nakaawang ang pinto at may narinig akong nagsisigawan mula sa loob kaya di muna ako tuluyang pumasok dahil baka maling room itong napuntahan ko. "Why? Bakit niyo ako hinayaang makasal?" Napalunok ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Leigh. Di nga ako nagkama

