Sa sumunod na mga araw ay unti-unti akong pinakilala ng pamilya ni Leigh sa lipunang ginagalawan nila. Tanggap man ako ng buong pamilya niya ay may mga kaibigan pa rin silang nagtaas ng kilay dahil sa katayuan ko sa buhay. Mabuti na lang at todo suporta sakin si Leigh kaya di ko na lang pinapansin ang mga tao sa paligid namin na kinukutya ang pagkatao ko. May napapansin lang ako sa pamilya ni Leigh. Masyado silang overprotective sa kanya at sa katunayan nga ay salitan ang mga pinsan niya sa pag-oovernight sa bahay namin. Maging sa school ay sina Fretz at iyong kambal ang salitang laging nakasunod kay Leigh. Babaliwalain ko lang sana iyon kung hindi ko lang ilang beses na nahuhuling masinsinang nag-uusap ang mga ito at ang mga pinsan ni Leigh na agad ding tumitigil tuwing paparating a

