Larisa POV "I suggest that you have to wear swimsuit." Hanu daw??? Ayoko nga nun. Alam niya naman na hindi ako sexy. "Bakit naman? Bawal bang naka-t-shirt at shorts lang?" tanong ko. Tumango siya. "Yes, that's the policy here. And here..." Sabay bigay niya sa akin ng swimsuit at ako naman si kuha dahil curious ako kung anong klaseng swimsuit ito. Sana naman hindi revealing. Pagbuklat ko ay nagulat ako. Wow!! TWO PIECE? OMO! Pero 'yung pang taas eh tube na itatali sa leeg. Tapos alam mo 'yung sa pambata na palda. 'Yung labas palda tapos 'yung panloob ay panty. Pero syempre, maiksi 'yung palda at tiyak na makikita ang panty ko pa rin. At kulay red pa. Parang ayoko pa rin suotin ito. Cute sana kaso hindi talaga ako nagsusuot ng ganito. Feeling ko makikita 'yung pisngi ng pwet ko. "Ay

