Larisa POV Nandito na kami sa cottage na pinili ni Lane. Hulaan mo. Nandito kami sa cottage kung saan bakante ang magkabilang cottage. Ewan ko ba diyan kay Lane. Ang daming bakanteng cottage doon sa maraming tao tapos dito niya gusto. Parang others lang kami eh. Ginagawa niya? Ayun, kausap 'yung taga-bantay dito. Nagpapa-order ng pagkain. Ako naman? Ito nakaupo lang. Tinitingnan 'yung mga nagsi-swimming. "Larisa, what do you like to eat?" Napalingon ako kay Lane na papunta sa akin. Medyo nagugutom na rin ako kasi nga ala-una na ng hapon. "Gusto ko ng sisig. Kung meron. Pero gusto ko talaga nun," sagot ko. "WHAT??? Sisig? Wala dito nun." Hindi makapaniwala niyang sabi. Nanlaki ang mata niya as in. "Ha?? Pero gusto ko nun. Please." Pagpupumilit ko. Na-miss ko na kasi kumain ng sis

