Maingat na ipinarada ni Rima ang kanyang sasakyan sa gilid ng sasakyan ng asawa. Alam niyang nasa bahay na si Gabriel dahil naroon na ang sasakyan nito. Kakauwi niya lang din. She wants to fix everything and if possible, she wants to ask for Gabriel's understanding. Ilang beses siyang lumunok ng laway bago binuksan ang front door at pumasok sa loob ng mansion. The living room is completely empty. Tumingin siya sa second floor. Marahil ay naroon ang kanyang asawa. Humugot siya ng malalim na hininga bago umakyat sa hagdan. Tumigil siyang muli nang marating ang kwarto nilang mag-asawa. Marahan niyang pinihit ang doorknob ng pinto at pagkapasok niya pa lang ay tumambad sa kanya si Gabriel. Tahimik itong nakatayo sa harapan ng binta habang may hawak na baso ng alak sa isang kamay nito. "Bakit

