Alumpihit si Rima habang nasa labas ng hospital room ni Gabriel. Tapos na ang emergency surgery nito at kasalukuyan ng nasa private room ang asawa. Kanina lang ay naroon ang attending doctor nito. At pagkatapos ay pumasok naman sina Vera at Anthony para tingnan ang kalagayan ng anak. She could hear Vera's endless cry habang pinapatahan naman ito ng asawa. Siguro ay nasa masamang kalagayan ang anak ng mga ito kaya ganoon na lang ang panaghoy ng ina. Namataan niya ang doctor ng asawa kaya nagmamadali siyang lapitan ito para tanungin tungkol sa kalagayan ni Gabriel. "Excuse me, Doc, I'm the wife of Mr. Gutierrez, itatanong ko lang sana kung ano ang lagay niya. How is he?" Aniya. "The patient is unconscious until now, but he's fine as of the moment. He got a few stitches on his head but he

