Masakit ang buong katawan ni Lorraine ng magising. Ang hapdi ng ilang sugat mula sa kanyang likod, maging sa kanyang hita at paa. Iniikot niya ang kanyang paningin. Wala na siya sa gubat, bagkus nasa isang magandang kwarto na siya nakahiga. Mabilis siyang bumalikwas nang maalala niya ang nangyari sa kanya bago siya nawalan ng malay. Niyakap niya kaagad ang sarili habang hinahanap ang ama. "Tay!" malakas niyang tawag sa ama. Muli na naman siyang nilukob ng takot na hindi niya maipaliwanag. "Tay!" muli niyang tawag. Humahangos namang lumapit si Mang Ipe. Bakas ang pag-aalala nito sa kanya. May benda ito sa ulo at tila may iniindang sakit sa balikat nito. "Gising ka na pala anak, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. Lumipat ito at bahagyang sinuri ang kalagayan niya. "Maayos

