Tahimik na kumakain ng pananghalian sa harap ng hapag-kainan sina Gabriel at ang mag-ama. Walang may gustong magsalita ngunit nakakabingi ang katahimikan. Nagpasya ang binata na maunang magsalita upang kausapin ang mag-ama. "Kumusta na po ang pakiramdam ni'yo Mang Ipe?" tanong niya sa matanda. "Okay naman ako maliban sa bahagyang pagkirot ng mga sugat ko." "Nalilinisan ni'yo po ba ng mabuti ang mga sugat ninyo?" "Oo, tinutulungan ako ni Lorraine, maraming salamat nga pala Sir Gabriel. Mula sa pagliligtas sa anak ko at sa pagpapatira sa amin dito sa bahay mo." "Wala po 'yon, maliit na bagay lamang po ito Mang Ipe." "Kaso nag-aalala ako, marami kaming nakatambak na trabaho sa tubuhan, baka 'kako hinahanap na kami roon lalo na ang mga magulang mo." "Huwag po kayong mag-alala at nakausa

