"Nahanap ni'yo na ba?" tanong ni Apolonio sa mga tauhan. Inutusan niya ang mga ito na galugarin ang lahat ng ospital na pwedeng puntahan ng binata ngunit walang makuhang impormasyon ang mga ito. Sa tingin nila ay nakatakas na ang binata at nagpakalayo-layo na ito sa kanilang lugar. Marahil ay natakot na iyon sa mas malala niya pang pwedeng gawin kung saka-sakali. Pero ayaw niya pa ring magpa kampante, minsan na siyang naisahan nito. Akala niya ay patay na, iyon pala ay buhay pa at nagawa pang buntisin si Rima. "Hindi talaga namin makita, boss! Kahit saang ospital kami magpunta, wala talagang Rafael Silvestre na naka confine. Sa tingin namin ay nagtatago na 'yon eh!" sagot ng tauhan. "Huwag kayong tumigil sa paghahanap. Pasasaan ba at lalabas rin 'yun kapag kinailangan. Babantayan ko rin

