Bahagyang nagusot ni Rafael ang diyaryo na hawak niya. Ayon sa balita, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa ilog Pasig. Putol ang dalawa nitong kamay, nakagapos ang mga paa at may nakasabit na karatula sa leeg. HUWAG AKONG TULARAN, ISA AKONG MAGNANAKAW. Muli niyang binasa ang nilalaman ng balita at hindi siya nagkakamali sa mga katagang nakasulat roon. Si Tisoy ang biktima. Ang pagkamatay nito ay kagaya ng pagkamatay ni Miguel. Parehas pinutulan ng mga kamay, parehas may karatula at nakagapos ang mga paa. Sigurado siya na ang pumatay kay Miguel at Tisoy ay iisa lamang. Napabuntong-hininga siya. Gustuhin man niyang kontakin si Narding ngunit hindi niya iyon nadala nang tumakbo siya papuntang ospital. Hindi niya tuloy malaman kung ayos lang ba ito. Mukhang totoong may nakalaban silang

