"Tay, ano pong gagawin ko..." ani Lorraine sa ama. Nagpapahinga na sila sa bahay ng magpasya siyang sabihin rito ang naging pag-uusap nila ni Gabriel. "Ano bang nasa puso mo, anak?" balik tanong ng matanda. "Alam ni'yo naman po na simula noon pa, may pagtingin na ako sa kanya, hindi ba? Marami lang bawal noon at marami na rin ang nagyari kaya wala kaming chance..." "Iyon naman pala, bakit hindi mo pagbigyan ang puso mo? Ikaw na rin ang maysabi na wala na si Rima. Malaya na siya. Hindi ka lalabas na kabit sa mga mata ng karamihan, iyon ang mahalaga dahil may tsansa na kayong dalawa na magpakasal." "Paano po kung tumutol ulit sa amin si Ma'am Vera at Sir Anthony?" aniya. "Na kay Gabriel na ang huling desisyon anak, dahil nangako naman siya sa'yo na ipapakita niya na karapat-dapat siya s

